|
|
| Oyo madalas magbabad kay KristineColumn: Eksenadora Ano ba itong si Snooky Serna? Pinagkakatuwaan na lang siya ng mga kasaahan niyang artista dahil sa mga pinaggagawa niya, huh? Ang latest victim nga ni Snooky itong si Ai-Ai delas Alas. Nawindang ang komedyana dahil pagbalik niya mula sa Amerika ay kung anu-ano na lang daw ang narinig niyang pinagsasabi ng aktres about her. "Naku, si Snooky, kung anu-ano na lang, huh!" sabi pa ni Ai-Ai na hindi malaman kung matatawa o maiinis sa aktres. Nilinaw ni Ai-Ai na nasa Amerika pa lang daw siya nu'ng marinig niyang may sinabi si Snooky about her pero nu'ng dumating siya rito sa 'Pinas sa ka nya umano naliwanagan ang eksaktong sinabi ng aktres. Sinabi raw ni Snooky sa isang panayam nu'ng minsa'y tanungin siya na sa tingin niya ( Snooky), eh, si Aiai ang pinaka-plastik na tao sa showbiz! Ang naging basehan ni Snooky ay ang hindi pagpansin sa kanya ni Ai-Ai sa isang party ng Volta nu'ng 2004 at dinaan-daanan lang daw siya ni Ai-Ai. Aniya, she felt stupid daw na naging nice naman daw siya kay Ai-Ai. Siyempre, ikikinaloka ito ni Ai-Ai. Ni hindi na raw niya ito naalala! Bongg a si Snooky, hindi siya busy para magkaroon ng memory gap, di ba? Ha-ha-ha! Sabi nga ni Ai-Ai habang busy raw siya sa pagsu-show at kakatrabaho ay heto si Snooky at busy sa paninira sa kanya. Nang tanungin si Ai-Ai kung ano ang masasabi niya kay Snooky, napangiti na lang siya at sinabing hindi niya alam kung maawa siya o matutuwa sa aktres. In a way, totoo 'yan. Kung anu-ano na lang ang ginagawa ni Snooky para lang mapag-usapan siya. Kahit sabihin pang malagay siya sa alanganin. Hinay-hinay lang po, di ba? Hindi maganda ng kinakaawaan ka. * * * Mariing sinabi ng dalawang ito na magkaibigan lang sila at wala raw silang ginagawang masama para intrigahin sila. Ayon naman sa aming source, balitang laging nasa taping ng Prinsesa ng Banyera itong si Oyo Boy. Super babad nga raw ito sa taping at panay pa umano ang dala ng pagkain para kay Kristine? How thoughtful, huh? Come to think of it, bakit naman magbababad ang isang guy sa kasama ng isang girl kung wala si-yang interest? Kung iba lang 'yun tumatakas nang hindi mo na namamalayan, di ba? Pero si Oyo, super babad. Eh,di naroon ang interest at may patutunguhan kumbaga ang kanilang special friendship. Well, kung hanggang saan at kailan sila magdi-deny? Baka 'pag nag-break na sila. Itanong kaya natin kay Diether Ocampo? * * * Napag-hahalata raw kasing scripted ang mga galaw ni Mariel Rodriguez sa loob ng bahay ni Kuya. Totoo nga ba ito? Maaaring hindi alam ni Mariel na papasok siya sa PBB house pero since siya ang magsisilbing "spy" ni Big Brother sa loob, imposibleng hindi scripted ang iba niyang ginagawa. Pero knowing Mariel, candid at napaka-kaswal ng girl na ito kaya natural niyang nadi-deliver ang mga tasks na binibigay sa kanila. Nabalitaan naming dalawang Linggo lang mana-natili si Mariel sa loob ng PBB house at lalabas din ang TV host para gampann ang ibang obligasyon niya at mga naiwan niyang trabaho. Hmmn, hindi pa sapat ang two weeks para sa kanila ni Jon Avila, huh? Mukhang naiilang yata si Jon sa kanya kesa ma-inlove, huh? Ma-torpe ba? Naku, di na uso ang ganyan, noh? Source: Taliba |