|
|
| Oyo, unconditional ang pagmamahal kay KristineAuthor: People's Taliba Talagang nahihilo na ang madla sa estado ng pagkaka-ibigan nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Kamakailan lang ay na-ging usap-usapan na ang pahayag ng binata tungkol sa kanyang 'unconditional love'para kay Kristine, pero hanggang ngayon, malabo pa rin kung magkaibigan lang talaga ang dalawa, dahil nali-link pa rin ang dalaga kay Diether Ocampo. Pero hindi naman itinatanggi ni Kristine na malapit talaga sila ni Oyo, lalo na't magkasama sila nito sa pa-labas na Prinsesa ng Banye-ra sa ABS-CBN. Sa pagpapatuloy ng daytime teleserye, tila lubos pa rin ang pag-aalala ni Kristine para kay Oyo. Sa tulong ni Victor (Oyo), muling nagka-sama si Maningning (Kristine) at Eric (TJ Trinidad). Sa pagkakatakas mula kina Cassandra (Ara Mina), sinabi ni Eric na magkaka-sabwat sina Cassandra, Victor at Rosa sa pagkamatay ni Daphne at pagkakulong ni Maningning. Sila rin ang may pakana ng mga pagtatangka sa dalaga. Handang humarap si Eric sa husgado para mapatunayang may-sala sina Cassan-dra, pero nakasalalay ang mas matinding katibayan kay Victor, na nanananitiling wa-lang malay sa ospital. Magigising pa kaya siya para isiwalat ang katotoha-nan? Makakalaya pa kaya si Maningning at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid? Unti-unti nang nabubun-yag ang mga sikreto kaya huwag bibitaw sa paborito niyong teleserye sa hapon, ang Prinsesa ng Banyera, pagkatapos ng Wowowee sa ABS-CBN. Source: Taliba |