Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

P3M, 'di pa nakukuha ni JC

Author: People's Tonight

Sayang at hindi matutuloy ang ipinangako ni Direk Joey Reyes na tatakbo siyang hubad sa Rotunda dahil grade B ang ibinigay ng CEB sa One Night Only.

Ang pangako ng director, 'pag grade A pa rin ang ibinigay sa OctoArts Film at Canary Films entry sa MMFF, tatakbo siyang hubad palibot sa Boy Scout Rotunda sa Timog Ave.

Anyway, nakakatawa ang pelikula at wala mang nagsisigawang fans tuwing mapo-focus sa screen ang idol nila, nag-enjoy pa rin ang lahat ng nanood sa premiere night nito.

Kuwela ang eksena nina Katrina Halili at Ricky Davao sa motel at ang ganda ng twist sa nangyari sa character ng actor. Natatawa pa nga kami up to now.

Kahit luka-luka at maingay, there's no denying na magaling talaga si Alessandra de Rossi at pinatawa niya ang tao sa character niyang promdi bit player na acting lang pala.

Sinabayan siya ng husay ni Paolo Contis, kaya swak ang eksena nila.

Bagay din kina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at Diana Zubiri ang role nila at may twist din ang character ng huli sa ending.

Hindi rin nagpahuli ng galing sina Joross Gamboa, Chokoleit at Ogie Diaz at pati sina Jon Avila, Jason Gainza at Empoy may moment din.

Hindi napanood ni Alex ang movie dahil lumipad ito, 8 p. m. last Monday, for Italy para ru'n mag-holiday at sa January 7, 2009 na ang balik niya.

Date ni Katrina ang boyfriend niyang si Kris Lawrence, so, totoo ngang hindi apektado ang relasyon nila sa isyung ang aktres ang third party sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

* * *

Nakisaya si JC Tiuseco, ang 1st Sole Survivor ng Survivor Philippines, sa Christmas party ng Enpress at nakita naming nag-sign of the cross muna siya bago kumain.

Nagda-diet ang binata, kaya ang konti ng kinain, ayaw yatang tumaba at masira ang six-pack abs.

Tuloy ang acting workshop ni JC sa UP Theater at sa January, workshop sa hosting naman ang gagawin niya, pero papasok na siya sa Unang Hirit sa Jan. 1, 2009 bilang isa sa mga host.

Hindi nito alam kung siya ang galing sa SP na kasama sa movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez dahil wala pang sinasabi sa kanya, pero kung siya nga, matutuwa raw siya dahil sobrang sikat ang dalawa at magaling si Direk Joel Lamangan.

Hindi pa nakukuha ni JC ang P3 million cash prize sa SP at ang Honda Civic pa lang ang nakuha.

Babalatuhan daw niya si Zita Ortiga na nagtampo sa kanya, pati si Cris Cartegenas at kung sinumang kasama sa SP ang mangangailangan.

Inusisa namin pati lovelife ni JC at nalaman naming three years his senior ang girlfriend niyang si Alu Gorota. He's 23 years old at 26 ang GF. Five years na silang on.

Lawyer ang dalaga at staff ni Sen. Miguel Zubiri sa Senate. Hindi raw selosa si Alu at nagbibigay sa female fans na gustong magpa-picture at magpapirma ng autograph. NM

Source: People's Tonight