|
|
| P55M na movie equipment, kasamang lumubog ng Super Ferry 9Author: Nel Alejandrino PERSONAL at excited na sinalubong ng Star Cinema managing director na si Malou Santos ang 28 production crew members ng produksiyong kanyang pinamamahalaan na nakaligtas sa lumubog na Super Ferry 9. Malou regrets na isa sa mga ito ang hindi nakaligtas. But the guy's family will be well taken cared of. Galing ang grupo sa GenSan, kung saan may mga kinunan silang eksena for the President Erap Estrada-Ai-Ai de las Alas movie, Ang Tanging Pamilya. Kasama sa lumubog na barko ang movie equipment na ginamit sa shooting na nagkakahalaga ng more than P55M, according to Direk Olive Lamasan. "Pero, para sa amin sa Star Cinema, ang importante, safely nakauwi lahat maliban sa isa. "For this wonderful gesture from the Lord, we are organizing a Mass for the group, which all of us at Star Cinema will attend," pahayag ni Malou. Ang Tanging Pamilya nga pala also stars Toni Gonzaga and Sam Milby. * * * MINUS his reel and real-life love Marian Rivera, how would Dingdong Dantes fare bilang leading man sa isang TV series? 'Di nga ba at ilang beses na rin siyang nagbida sa shows ng GMA-7 at kung kani-kanino na rin naiparehang leading ladies, but never siyang nakilala at itinuring na effective leading man until his team-up with Marian in three successful series, namely Marimar, Dyesebel at Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang? In his upcoming series, the Tagalog adaptation of a popular Korean novela, Stairway to Heaven, Dingdong is on his own. Kumbaga, siya ang magdadala ng series, dahil si Rhian Ramos na leading lady still has to prove her worth as a actress and a star. Sa balikat ni Dingdong iniatang ng GMA-7 ang papel na Cholo, ang bidang lalaki sa Koreanovela. Si Rhian naman ang gaganap na Jodi, na na-in-love kay Cholo mula pa sa pagkabata at minahal din ni Cholo nang husto. "Actually, ang story nito ay puwedeng ituring na pinaka-asset ng Stairway to Heaven," anang fellow entertainment columnist na si Nora Calderon, who followed the Koreanovela when it was aired by GMA-7. "It is truly a beautiful and timeless tale of undying love between two young people, na ang naging hadlang para sa katuparan ng kanilang pangarap ay kamatayan. " "Bakit, sino kina Cholo at Jodi ang mamamatay?" tanong namin kay Nora dahil clueless kami kung paano tumakbo ang kuwento ng Stairway to Heaven. "You have to watch it," sabad ni Joyce Bernal, who is directing the series with Andoy Ranay and Mac Alejandre. "According to GMA-7 insiders, ito ang isa sa highest-rated primetime Koreanovela na kanilang ipinalabas sa TV. "Ito nga ang dahilan why we had to be extra careful in the choices of the cast. Kasi, it's not just the Korean version we have to approximate, kung hindi ang performances din ng Korean stars sa original series," susog pa ni Direk Joyce. Aside from Dingdong and Rhian, also in the cast are Jean Garcia, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Sandy Andolong, Jestoni Alarcon, Soliman Cruz, Karen de los Reyes, Carlo Gonzales and Paul Homes. The bagets who played the young Dingdong ay si Joshua Dionisio; si Barbie Forteza ang young Jodi (Rhian); si Joanna Marie Tan ang young Eunice (Glaiza) at si Jhake Vargas ang young Tristan (TJ). Source: People's Tonight |