Mar 12
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

P5M, inayawan ni Pauleen!

P5M, inayawan ni Pauleen!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

HINDI na matutuloy ang pag-i-endorso ni Pauleen Luna ng isang brand ng a­lak sa isang mala­king kumpanya. Tinanggihan na ni Pauleen ang halagang P5M na presyo, para mag-pose ng seksi sa isang kalendaryo para sa naturang brand ng alak.

Sabi ng nanay ni Pauleen, hindi raw kaya ng anak niya ang mag-2 piece para sa isang ka­lendaryo.

Kuwento pa ng nanay ni Pauleen, dalawang beses na raw na inaalok si Pauleen na maging endorser ng naturang brand ng alak, at dalawang beses na rin nila itong tinatanggihan.

Siyempre, nanghihinayang si Pauleen sa P5M, pero pikit-mata raw nilang tinanggihan 'yon, dahil wala raw talaga sa loob ni Pauleen ang magbilad ng katawan sa harap ng publiko.

Sa paniniwala ng mommy ni Pauleen, walang masama sa pagpapa-sexy na ginagawa ng ibang endorser ng a­lak. Pero, hindi raw talaga kayang sikmurain 'yon ni Pauleen.

May mga tao raw na malakas ang loob na magpakita ng kanilang kaseksihan, at nagkataon daw na hindi malakas ang loob ni Pauleen.

Sabi pa ng mommy ni Pauleen, bilib sila sa mga artistang babae na matapang na mag-2 piece para sa isang endorsement.

Inintriga namin ang mommy ni Pauleen na baka hindi kaya ni Pauleen na magpa-sexy sa pictorial ay dahil hindi maganda ang hubog ng katawan nito, at pati na ang hugis.

Siyempre, umalma ang mommy ni Pauleen. Sabi niya, seksi ang anak niya ngayon, at pantay na pantay ang makinis na kutis nito.

Sabi pa niya, makikita naman daw ang hubog ng katawan at makinis na balat ni Pauleen ngayon sa mga seksing suot nito sa Eat Bulaga. Pero, nagkataon daw na nahihiya talaga si Pauleen na ilantad ang katawan niya sa publiko na ang suot lang ay 2 piece.

Anyway, marami na rin daw tinanggihang men's magazine si Pauleen para mag-cover. Hindi na rin daw kaya ni Pauleen ang magpa-sexy sa mga ganung ma­gazine.

Alam ng mommy ni Pauleen na malaking tulong sa kanila ang limang milyong piso. Pero, marami naman daw raket si Pauleen ngayon, kahit wala itong regular show sa GMA.

Siyanga pala, iginiit din ng mommy ni Pauleen na wala itong boyfriend ngayon. Wala pa raw sa isip ni Pauleen na sundan ang huli niyang karelasyon na si Mayor Win Gatchalian.

Para kay mommy, mas maganda na huwag munang makipag-boyfriend si Pauleen ngayon, para mas makapag-focus sa career.

Source: Abante