Mar 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PEP : Heart to keep new relationship 'low key'

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Masasabing ang taong 2008 ay naging napakakulay para kay Heart Evangelista dahil maraming pagbabagong naganap sa buhay niya-mapa-professional o personal man.

Nag-guest nang live si Heart sa Showbiz Central noong Linggo, Enero 4. Dahil tila naging roller-coaster ang 2008 para kay Heart, tinanong siya ng host na si Raymond Gutierrez if 2008 was a good year or a bad year for her.

"Well, of course, sasabihin ko it's a good year," sagot ni Heart. "Noong umpisa, akala ko it was a bad year. I didn't really know kung paano ko malalampasan yung mga pinagdadaanan ko ng mga times na yun. But it was a good year, na-patch things up ko ang relationship ko with my parents at nagtuluy-tuloy yung mga suwerte ko sa buhay ko."

Kumusta na ang samahan nila ngayon ng parents niya?

"Siyempre, normal yun na nag-a-away-away kayo paminsan-minsan," sagot niya. "Siyempre, pagod ka, may schedules, normal lang yun. Pero I mean, yung pinaka-core ng relationship namin, mas solid siya kesa dati. Dati kasi, hindi nila ako kinakausap ng tatlong taon. Ngayon, every day na kaming magkasama.

"Yung daddy ko, tuwing may date kami, palagi niyang tinitingnan, 'O, ano ang isusuot mo mamaya? So, parang barkada na rin kami. We're really, really close now," lahad ni Heart.

HEART IN LOVE. Naging controversial din ang isang picture ni Heart na lumabas na naka-bathing suit siya with a guy. So, sino ang lalaking ito at ano siya sa buhay ni Heart?

"Well, na-mention ko na rin naman siya dati and I am seeing him officially. His name is Francisco [Delgado]. Pero siyempre, gusto ko nga na medyo mag-low key ng konti sa part na yun. Kasi dati nga, masyado akong public sa relationship ko [with Jericho Rosales] and when it ended, it was really messy. So I'd like to keep it low key. But yeah, I'm not gonna lie about it. He's my boyfriend," pag-amin ng aktres.

So, hindi na siya single?

"Yeah, pero hindi naman ako kasal! But I really pray. In every relationship naman, you want it forever. But you know, I've learned my lesson. Nothing is for sure unless you really get married. So, you know, I'm still on my toes."

Ayon kay Raymond, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon sa tabloids, talk shows, but Heart remains silent about her last relationship. Bakit nga ba?

"Siguro kaya rin hindi siya nahihinto kasi hindi ako nagsalita, hindi ko tinapos. I guess, it's my way kasi na... Mahirap kasi sabihin kung ano yung nararamdaman mo talaga. Minsan, yung sinasabi ng puso, ayaw mong iparating sa utak mo.

"So, I didn't want to talk about it. If I'll keep on saying that it's over, then mas magiging madali siya para sa akin. And of course, what for? It's a painful experience, I've learned a lot from it, so why do I need to prolong the agony?" paliwanag niya.

Pero naka-move on na ba siya talaga?

"Ito ang masasabi ko, kasi marami ang nagsasabi na parang hindi ako naging totoo sa sarili ko. I have moved on definitely, pero hindi naman yung nakalimutan mo yung tao nang ganun-gano'n lang. They will always have a special place in your heart. I have moved on and I have no plans looking back," saad niya.

TOP RATING SHOW. Luna Mystika is one of the toprating primetime shows of the Kapuso network. Raymond asked Heart kung ngayon daw ba ay nasasanay na siya sa kanyang prosthetics.

"Hindi pa rin," sagot ni Heart. "Pero, iniisip ko na kapag nakikita nila ako, kapag nagte-taping kami sa Bulacan at nakikita nila akong nakagano'n, natutuwa sila. Parang naiisip ko na lang, it's worth it.

"At saka sa lahat ng pinagdaanan ko at nagsabing wala na akong chance... Ang daming nagsabi na wala na, wala na talaga. Tapos, heto, biglang binigyan ako ng pagkakataon at nabigyan ako ng Luna Mystika sa Channel 7. Okey na sa akin na mangati nang mangati ang mukha ko, okey na sa akin yun."

Ano naman ang aabangan this 2009 kay Heart?

"Marami...marami!" bulalas niya. "Umpisa pa lang ang Luna Mystika, pero maraming magiging masaya riyan. Hindi naman ako magpapaseksi ng todo, pero marami, marami ang masisiyahan diyan.

"At saka, unang-una, noong ginawa ko ang Luna Mystika, inisip ko na baka last ko na yun. Kasi hindi ko naman inisip ang kalalabasan ng show, kung magre-rate ba or anything. Ngayong nag-number one po kami, salamat po sa inyo. Ang puso ko, napakataba. Parang ang dami kong gustong gawin sa mga next shows ko. Nae-excite akong magtrabaho muli."

Adaptation ba ng isang Koreanovela ang next project ni Heart?

"Hindi lang natin alam," nakangiting sabi ni Heart. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews