|
|
| PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili's lawyer prefers to focus on legal battle, ignores "tactics" of Hayden's camp![]() Author: Rose Garcia Matapos makuha ang resulta ng drug test ni Katrina Halili, nagpaunlak ng interview ang legal counsel nito na si Atty. Raymund Palad noong June 2. Sinabi ni Atty. Palad sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na negatibo ang kanyang kliyente sa anumang trace ng Ecstasy or any other drug sa kanyang urine sample. Wala raw silang balak no'ng una na ipaalam pa ang resulta sa media, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay mas nauna pa raw kay Katrina si Hayden Kho sa PDEA noong Martes kahit wala itong schedule at nagpa-drug test. Paglabas nila ni Katrina sa PDEA ay naroon na raw ang mga taga-media na nag-aabang kaya ibinigay na rin nila ang certification na nagpapatunay na negatibo si Katrina sa ilegal na droga, at may pirma ito mismo ng officer ng PDEA. Ayon pa rin sa abogado ni Katrina, bagama't nagtangka ang maraming taga-media na makausap ang kanyang kliyente, hindi nagpa-interview si Katrina. Bilang legal counsel ng young actress, si Atty. Palad ang sumagot sa ilang katanungan. Mailap si Katrina sa media nitong mga nakaraang araw. Kaya naman, noong humingi ang PEP ng interview sa kanyang manager na si Rommel Gacho, kay Atty. Palad kami idinirekta. FOCUS ON LEGAL BATTLE. Magmula noong nagpa-interview si Mrs. Irene Kho, ang nanay ni Hayden, at sinabing "scripted" daw ang mga naunang pahayag ng 23-year-old actress at "drama" ang pag-iyak nito, mas piniling manahimik na lamang ng kampo ni Katrina. "Actually, we will not answer their allegations. Maraming story, kung anu-ano ang nilalabas. We don't want to justify it by answering those things. Kung yun ang ploy nila to discredit or malign us to the public, it's up to the media already. Out muna kami diyan. Basta kami, ang konsentrasyon namin ay sa mga legal battle namin. "At the end of the day, yung mga ganyang isyu, lalamig din 'yan. Pero yung totoong isyu, the main issue, ang korte pa rin ang magdedesisyon." Naniniwala ang legal counsel ni Katrina na ang ginagawa ng kabilang kampo, tulad nga ng pagpapa-interview ni Mrs. Kho, ay "diverting the real issues." "Actually, noon pa 'yan. They keep on saying that they are not using drugs as a defense and yet, they keep on discussing it on the radio, TV... Baka nga ang mangyari niyan, sa ginagawa nila, tumaas pa ang penalty. "Hindi mo naman puwedeng sabihin na adik ako kaya nang-abuso ako ng babae. Baka tumaas pa... Ang point dito, ano ang isyu? Let's proceed to the main issue. "Ang ginagawa, character assassination kay Katrina, kay Omar [Sortijas, Katrina's handler]. Kami, yung legal lang, yung totoong issue. We don't resort dun sa, halimbawa, hindi niya bagay ang dilaw na damit, nakapikit ng nagsasalita, we don't do that." WILL HAYDEN ADMIT GUILT IN WRITING? Tinanong din namin si Atty. Palad tungkol sa mga kaganapan ng ipinaglalaban ni Katrina na bunsod ng mga sex videos ni Hayden. "Yung revocation of professional license, ika-15th day niya [Hayden] sa June 6 to file for affidavit or any concerns sa PRC [Professional Regulation Commission]. We will find out if he will confess that what he was doing, yung pagse-sex video is morally and legally wrong. "Ini-admit niya yun sa Senate at willing siyang pagbayaran kung anuman ang itadhana sa kanya ng batas, so let's see kung ire-reflect niya yun talaga sa writing, di ba? "Let's see kung totoo talaga siya na ina-admit niya na mali siya. And let the PRC decide kung fit talaga siya to practice his medicine. Kung on cam, yun ang sinasabi niya, so, dapat it's the same pagdating sa writing, sa affidavit. "May isang interview si Atty. [Lorna] Kapunan na sinabi niyang, parang ang sinabi niya, they will no longer contest... Hindi ko na matandaan kung saan yun, kung sa radio or what." (Si Atty. Kapunan ang legal counsel ni Hayden). Pagkatapos daw ng ginanap na Senate hearing, hindi pa niya alam kung kailan ang kasunod nito, pero ang nais ng kampo nila ay maipasa na yung Senate bill. "No idea sa Senate hearing. Pero with regard to Senate, naibigay na namin ang duties namin. So, sa ngayon, we don't expect na ipapatawag pa kami. So, siguro hindi na, wala na yun. Tapos na yung Senate hearing. Hopefully, maipasa na yung Senate bill." Dugtong pa ng legal counsel ng StarStruck Batch 1 Avenger, "Ang positive effect, I think, they have passed na, yung Congress, ng anti-voyeurism. So, ang maganda dito, sa ipinaglalaban din ni Katrina, gumagalaw na yung House. Positive that both House ng Congress at Senado ay gumagalaw. Hopefully, makaandar na ngang talaga." Source: Philippine Entertainment Portal |