Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PEP EXCLUSIVE: Rica Peralejo talks about her upcoming wedding to pastor Joseph Bonifacio

"It gets happier and happier pa from this point on. Of course, hindi ko naman sinasabing hindi ako magkakaroon ng problema. But at least, sigurado ako na yung partner ko, will fight it through with me. Sigurado na ako sa kanya. Hindi man ako maging sigura

Author: Rose Garcia

Sa mga nakaraang interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host na si Rica Peralejo, sinabi niya noon na kapag magkakaroon siya ng bagong relationship--after her almost four-year relationship with actor Bernard Palanca--ay hihintayan niya ang "chosen man" ng Diyos para sa kanya.

At ngayon ngang nakahanap na siya ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Joseph Bonifacio, pastor ng Victory Christian Fellowship, ang kasunod nito ay ang pagpapakasal nila either December of this year or January next year.

THE PASTOR. Sa exclusive interview ng PEP kay Rica noong Biyernes, July 31, sa ABS-CBN compound ay ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Joseph.

Kuwento niya, "Actually, three years na kaming magkakilala, pero ang pagkaka-develop naming dalawa, weird. Kasi, pareho lang naman kaming nasa Pilipinas, pero talagang sa Internet kami na-develop--Multiply, church...

"One time, merong service sa church. First time kong maka-attend ng service sa youth. Sabi ko, 'Ay, ang cool naman ng service nila!' Kasi akala ko dati, corny. E, sabi ko, okey pala ito, 'no? At that time, hindi pa 'ko masyadong Christian, tinuturuan pa akong magbasa ng Bible.

"Noong mag-altar call, parang hindi ko maintindihan kung bakit ko itinaas. Sabi ko, 'Itaas ko na nga 'to. Cool naman yata 'to!' Ibig kong sabihin, cool, hindi siya corny, hindi siya yung parang holy, holy...

"Then, after a while, doon ko lang nalaman na siya pala ang nag-altar call. So, ganun...nakikita ko siya [Joseph]. Everytime na makikita ko siya, ang funny niya, pero intelligent. Pero hindi tumatak sa isip ko na magkaka-inlaban kami. Hello, pastor? Tapos ako, artista! Siya rin, ganoon."

Napapansin din daw ni Rica na nagiging crush na niya si Joseph. Marami na rin daw ang nakakapansin na nagiging bukambibig na niya ang hindi pa naman boyfriend noon at hindi pa rin naman nanliligaw.

"Minsan si Nikki Valdez, natulog sa amin," patuloy na kuwento ni Rica. "Sabi ko sa kanya, 'Uy, may crush ako dun sa church namin!' Ginaganun ko lang. Gusto mo stalk natin? So, tiningnan namin sa Multiply. So, Joseph Bonifacio? Uy, ganda ng pangalan. Ateneo de Manila school... Uy, pareho kami ng school... Birthday?' Pagkita namin ng birthday niya, pareho kaming nagsigawan ni Nikki, pareho kami ng birthday!

"So, parang naging running jokes na sa akin na crush ko siya. Pero feeling ko, at that time, may gusto na ako sa kanya. Pero hindi ko lang ma-imagine, paano ba kami magiging pair? So, parang pareho naming pinipigilan kasi nga, di ba, parang imposible na maging pair kami?"

Noong malaman na raw ng mapapangasawa niya na gusto nga siya talaga nito, tinanong ni Joseph ang counselors and elders nila sa Church.

"Nagulat talaga ako noong sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Pagtawag ko sa mga counselors namin, pastors, lahat sila, alam na. At noong sinabi niyang gusto na niya ako, hindi ako makapaniwala. Kasi ako, gustong-gusto ko na siya that time.

"Sabi ko sa best friend ko, 'Alam mo, magkikita kami today, pero hirap na hirap na ako. Hindi na ko nakaka-function. Parang palagi ko na lang siyang iniisip, wala naman siyang sinasabi.' Kaya sabi ko, hindi ko na siguro siya kikitain after this, kasi hindi na maganda. So, yun ang decision ko.

"E, that day, sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Kaya sabi ko, 'Alam mo, isang araw lang na delayed ka, hindi mo na ako makakausap.' Ganoon kasi ako, kapag ayaw ko, ayaw ko na. Kahit gusto ko pa yun, titiisin ko. Ganoon ako, e. Kaya hindi rin ako nagkaroon ng doubt kung gusto ko ba 'to or what, otherwise, God wouldn't allow it to happen," lahad ni Rica.

THE PROPOSAL. On their 10th monthsary, nag-propose si Joseph kay Rica sa Sonya's Garden sa Tagaytay.

Ayon kay Rica, siguro raw dahil na-outgrown na niya ang monthsary celebrations, ipinagdiwang na lang daw nilang dalawa yun dala na rin ng "kakornihan" ng sinasabing monthsary.

"Minsan magdadala 'yan, isang paso na may nakatanim na orchid at sasabihin niya, 'Happy ninthmonsary!'" natatawang sabi niya. "Gusto niyang gawing mushy talaga, parang nakakatawa.

"So, noong tenth month namin, pumunta kami ng Sonya's Garden. Ang usapan, si Donita Rose, asawa ni Donita [Eric Vilarama], si Pinky Webb... Kasi, gusto naming dalawa na mag-monthsary sa Sonya's Garden kasi hindi naman wise na mag-monthsary na kaming dalawa lang. E, mali-late daw yung iba, so nauna na kami.

"Pagdating namin dun, marami na akong hindi maintindihan. Kesyo huwag muna raw ibaba ang gamit. Tapos dun daw kami...hindi ko na matandaan ang place. Sabi ko, 'Ha? Ano ba yung lugar na yun? Ang tagal-tagal ko na sa Sonya's, hindi ko alam yun. Tapos, yun na.

"Naglagay pa siya ng blindfold sa akin. Kaya sabi ko, grabe naman 'to, ang effort naman for 10th monthsary!' Alam mo yun? Wala lang. Ako, hindi man lang sumagi sa isip ko na baka magpo-propose. Then, nang tinanggal na yung blindfold ko, grabe, ang ganda, ang ganda-ganda talaga ng set-up, may spotlight pa! Ako, habang lumalakad, nagkukuha pa ako ng picture, ganoon ako ka-clueless!

Source: Philippine Entertainment Portal