| | PEP: Glaiza de Castro takes over Jewel Mische role - and bed sceneAuthor: Rose Garcia Column: Entertainment Jewel Mische's loss is Glaiza de Castro's gain. Puwede nga sigurong sabihin yun dahil balitang on the shooting day itself, bigla raw nag-back out ang "Ultimate StarStruck" survivor sa pelikulang "Bente" ni Direk Mel Chionglo.
Nagulat na lang daw ang production dahil kahit nandoon na sa location si Jewel, bigla na lang daw itong umalis at hindi na itinuloy gawin ang shooting ng naturang movie. Lalo na raw nang makita na nito ang director ng movie na si Direk Mel Chionglo.
Ang "Bente" ang ikalawa sa huling pelikulang ipalalabas ng Sine Direk. At ang movie rin na ito, along with Sine Direk's last film to be shown, ang "Kamoteng Kahoy" ni Direk Maryo J. de los Reyes, ang hindi pa naisu-shoot. Kaya naman may deadline na at kailangan nang matapos ang buong pelikula.
Pero muntik na nga raw magka-aberya at masayang ang isang araw dahil sa biglaang pagba-back out daw ni Jewel. Mabuti na lang daw at madaling napakiusapan ni Direk Mel si Direk Manny Valera na kausapin ang kanyang talent na si Glaiza de Castro, na kung puwede siya ang maging reliever ni Jewel. Hindi nagdalawang-isip ang artista at kahit nung araw na yun mismo tinawagan after guesting sa isang show ay pumayag na dumiretso sa shooting.
Maganda rin daw na walang ere si Glaiza kahit second choice lang ito sa isang role. Walang kaso raw ito dahil sa paniniwala niya at lagi niyang sinasabi, kapag sa kanya talaga ang role, anuman ang mangyari ay para sa kanya talaga ito.
Ang kuwento, mukhang naalarma raw yata si Jewel sa bed scene nila sa movie ng newcomer na si Aldred Gatchalian. Nagtataka lang daw ang mga tao sa production at maging si Direk Mel, ayon sa impormasyon na nakarating sa amin, dahil nang mag-audition daw si Jewel for the role, which happened last year pa, alam naman daw nitong may eksenang ganun talaga sa pelikulang "Bente."
Inalam ng PEP ang tungkol sa bed scene na sinasabing hindi kinaya or hindi nagustuhan ni Jewel kung kaya't nag-back out daw ito. Ayon sa kuwento, tastefully done naman daw ang naturang bed scene dahil kahit si Glaiza na pumalit kay Jewel ay maingat din naman daw at hindi rin basta-basta nakikipag-bed scene.
Puwedeng manghinayang si Jewel sa opportunity na pinakawalan niya dahil bilang baguhan, pagkakataon na rin sana niya yun to work with good actors and good actresses na kasama sa cast.
In fact, kahit hindi pa nakakatrabaho si Jewel, pinili na raw ito ni Direk Mel para mabigyan daw sana ng pagkakataon ang mga baguhang tulad niya at masasabing winner pa ng isang reality search tulad ng "StarStruck."
Siyempre pa, bukas ang PEP para sa panig ni Jewel kung ano nga ang katotohanan sa likod ng diumano'y pagba-back out niya sa mismong shooting kahit na nandoon na siya sa location ng movie.
Ipalalabas ang "Bente" ni Direk Mel Chionglo sa darating na June 3. Source: GMANews |
|