Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PEP: Karylle received two marriage proposals in Las Vegas

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Mas nakatulong pa ngayon kay Karylle ang breakup nila ni Dingdong Dantes dahil mas lumakas ang appeal niya sa mga lalake. Bagay nga kay Karylle ang ibinansag sa kanya ng Bench kaugnay sa pagiging image model niya ng Bench Body-"Single is Sexy."

Katunayan, nakatanggap ng dalawang "marriage proposals" si Karylle mula sa isang Mexican at isang Pinoy nang kumanta siya sa "Dream Match" nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada, noong December 7.

Kuwento ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pagdating niya sa lobby ng hotel matapos ang kanyang pag-awit ng "Lupang Hinirang" ay biglang lumapit sa kanya ang isang Mexican at nag-dialogue agad ng: "Will you marry a Mexican?"

Hindi naman daw nagpatalbog ang Pinoy na lumuhod pa sa harap ni Karylle at nag-alok din ng kasal.

Na-feel daw ni Karylle ang pagiging isang dalagang Filipina na pinag-aagawan para pakasalan ng dalawang lalakeng hindi niya kakilala at noon lang niya nakita sa kanyang tanang buhay. Nataon pang nakasuot siya ng terno kaya naman para siya talagang inaakyat ng ligaw ng dalawang lalake.

Hindi alam ni Karylle kung ano ang isasagot niya sa marriage proposals sa kanya kaya napangiti na lang ito at nagpaunlak na magpakuha ng larawan sa dalawang lalakeng nabighani sa kanyang kagandahan.

Natatawa si Karylle kapag naalala niya ang eksenang 'yon dahil akala niya ay magkakaroon ng away sa Mexicano at sa Pinoy. Nagpatalbugan daw kasi sa marriage proposal ang isa't isa.

Wala raw mapili si Karylle sa dalawang lalake. Guwapo ang Mexican at may hitsura rin naman daw yung Pinoy.

Flattering para kay Karylle ang natanggap na marriage proposals. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakatanggap ng dalawang proposals sa isang araw.

Kaya nga feel na feel ni Karylle ang pagiging "single and sexy," lalo't na-unveil na ang dalawang malalaking billboards niya mula sa Bench Body sa ginanap na launching para rito sa TriNoma Activity Center kahapon, December 13.

Namangha ang lahat ng mga taong nakasaksi sa unveiling, kung saan lumabas ang kaseksihan ni Karylle na suot lang ay top bra. Yung isa ay nakatayo siya suot ay low-rise jeans at nakalantad ang kanyang kanyang tiyan. Yung isa naman ay naka-lean on siya at kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang dibdib.

Sabi ni Karylle, mula nang sumali siya sa isang marathon at nakita niyang maganda ang kanyang abs, doon niya napagdesisyunang puwede na siyang mag-sexy. Dati raw kasi ay wala siyang confidence kaya ayaw niyang maglabas ng katawan. Pero ngayon, feel niyang she's single and sexy kaya pumayag na rin siya mag-model sa Bench Body.

Sa tanong kung posible bang magsama sila ng ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes-na modelo rin ng Bench Body-sa isang sexy billboard ad, nakangiting sumagot lang si Karylle na hindi niya alam at titingnan daw muna niya. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews