| | PEP: Katrina Halili back in Dra. Vicki Belo's armsAuthor: GMANews.TV Column: Entertainment "Crisis management" ang tawag ngayon ni Manay Lolit Solis sa sitwasyon niya dahil sa kanya pinapa-handle ang publicity ng ilang "maiinit" na artista tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Ang sumunod na ipinatawag ng press con ng grupo ni Manay Lolit ay si Katrina Halili naman. Marami pang kausap na press si Katrina sa pinaka-private cubicle ng Via Mare sa Tomas Morato noong Miyerkules (March 25), kung kaya't sina Manay Lolit at adviser ni Katrina na si Omar Sortijas na lang ang kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Sila ang nasa labas kasama ng manager ni Katrina na si Rommel Gacho.
"Hindi ito crisis management, anak. Para sa endorsement ni Katrina ito para sa Flawless," ni Manay Lolit sa PEP.
Ang ibig sabihin, magkatrabaho muli sina Katrina at Dra. Vicki Belo, na part-owner ng Flawless.
"Kinonsulta si Dra. Vicki dito ni Ruby [Cuyoito, co-owner of Flawless], kasi may share pa rin naman si Dra. Vicki sa Flawless. Ang naging sagot daw ni Vicki, 'Why not? She's a good girl. Kaysa ibang artista ang kunin at kaysa mapunta sa iba si Katrina, sa Flawless na lang.'"
Ever since, Belo at Flawless endorser na si Katrina pagkatapos pa lang ng StarStruck. Matatandaang isa sa mga prize sa StarStruck ay maging endorser ng Calayan Surgicentre. Bukod-tanging ang mga alaga ni Manay Lolit na sina Mark Herras at Yasmien Kurdi, at si Katrina ang endorsers ng Flawless.
"Actually, Flawless na noon si Katrina. Tapos inangat lang sa Belo dahil parang pareho pa rin naman yun," paliwanag ni Manay Lolit.
Nagkaroon ng problema si Dra. Vicki at ang boyfriend nitong si Dr. Hayden Kho, at nadawit si Katrina. Hindi na nag-renew si Katrina sa Belo.
For the first time in print, ngayon lang maisusulat na may offer talaga ang Calayan kay Katrina.
"Noong mga panahon na yun, ang tagahanap namin ng ex-deal at endorsement kay Katrina, sinabi sa amin, sige lalapitan niya si Dr. Calayan," kuwento ni Omar. "Okay naman sa Calayan na maging endorser si Katrina. Kaya lang, si Katrina na ang nag-decline. Parang hindi naman kasi maganda na porke may hindi pagkakauwanan sina Katrina at Belo, sa kumpetensiya na siya lilipat."
Habang nasa Dakak pa kami kasama ni Katrina para sa taping ng "Karibal" episode ng Dear Friend, nabanggit na sa amin ito ni Katrina. Pero pina-off the record muna niya dahil hindi pa naman nagkakasarahan noon.
"Masayang-masaya ngayon si Katrina kasi parang vindication ulit ito sa kanya na hindi talaga sa kanya nagalit si Dra. Vicki," sabi ni Manay Lolit.
May isa pang binanggit si Manay Lolit tungkol kina Katrina at Dra. Belo. Nagkita na raw pala ang dalawa ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon. Nagkasalubong sila sa isang mall at nag-usap. - Philippine Entertainment Portal Source: GMANews |
|