|
|
| PEP Sexiest Hunk Dingdong Dantes wants to be recognized as an actor![]() Author: Nerisa Almo Isa sa mga kapansin-pansin na pagbabago kay Dingdong Dantes simula nang mag-umpisa siyang mag-artista ang ay ang magandang hubog ng kanyang katawan. Kung noon ay isa siyang chubby teen actor sa youth-oriented show na T.G.I.S., ngayon ay isa na siya sa mga tinitilian ng mga babae, at hinahangaan ng ilang kalalakihan, pagdating sa pangangalaga sa katawan. Patunay sa kanyang pagiging sexy ang paghirang sa kanya kamakailan ng Hollywood-based na E! Television bilang third sexiest man of the world. Kasama niya ang ilan pang mga kilalang international celebrity tulad ng soccer player na si David Beckham at mga Hollywood actors na sina Johnny Depp at Eric Bana. Kamakailan naman ay nanguna si Dingdong sa listahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng Sexist Hunks. (Click here to read related story) "I'm flattered that 'yon ang tingin nila sa akin," sabi ni Dingdong sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras tungkol sa kanyang sexy image. Bagamat labis na ikinatuwa ni Dingdong ang ganitong bansag, umaasa pa rin ang binatang aktor na sana sa susunod ay makilala naman siya sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Aniya, "Pero, siyempre, at the end of the day, I would still like to be known as an actor rather than being tagged as such. 'Yon na lang all throughout. Nevertheless, maraming salamat pa rin." VACATION IN BORACAY. Masaya namang ikinuwento ng 28-year-old actor ang naging bakasyon niya sa Boracay. Ayon sa kanya, naging magandang pagkakataon ito upang makasama ang kanyang pamilya, lalo pa't naging busy siya sa trabaho at ngayon ay single na siyang muli. Pahayag ni Dingdong, "Bumalik ako sa basics, kasi Christmas season is the time for me to be with my family, to get in touch with friends. Kumbaga, mabuti at wala akong masyadong ginagawa no'n. Nagkaroon ng panahon para mabuhay ang mga past relationships with people. Alam mo 'yon, hindi ko na nakakausap and I'm glad na nakabalik ako sa kanila." BACK TO WORK. Ngayong tapos na ang mahabang bakasyon, magbabalik na sa trabaho ang aktor. Ano ba ang dapat abangan ng kanyang fans? "In terms of performance, siyempre, we always want more. Gusto natin mas higitan pa natin ang nagawa natin in the past. Higitan in the sense na mas pagbubutihan natin. And, siyempre, this coming year, sana mas marami tayong taong ma-inspire, maraming matulungan, at maraming mapasaya." Para sa kanyang unang proyekto sa telebisyon ngayong taon, muli niyang makakasama si Marian Rivera sa telenovelang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. "'Yong konsepto, coming from the title itself, e. Very ano na, e, kumbaga, magiging curious ka na kung bakit gano'n. Siguro kaakibat ng title na 'yon is the perception of being sexy," paliwanag ni Dingdong. Source: Philippine Entertainment Portal |