Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PEP: Teamup with Marian Rivera is just for work - Mark Anthony

Author: Rose Garcia
Column: Entertainment

Si Mark Anthony Fernandez ang gaganap na leading man ni Marian Rivera sa pagbabalik ng Darna sa telebisyon. Si Mark ay si "Eduardo," ang kababata ni "Narda" (Marian) sa bahay-ampunan.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa isang proyekto sina Mark at Marian. How is it working with Marian?

"She's more of matalino siya kesa sa kagandahan niya," sagot ni Mark nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Darna kagabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center

Masaya ang aktor dahil puro mga bigating leading ladies ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network- sina Regine Velasquez (Ako Si Kim Samsoon), Heart Evangelista (Luna Mystika), Sunshine Dizon and Iza Calzado (All About Eve), at ngayon naman ay si Marian.
Alam mo, parang gusto ko nga rin siyang tawagan one of these days, to show him good gesture. Na this [his teamup with Marian] is completely for Darna. - Mark Anthony Fernandez

"I'm so thankful!" sambit ni Mark. "I'm so thankful na napapasama ako sa mga ganitong proyekto. Natutuwa rin ako sa pressure dahil feeling ko, nakakadagdag sa akin bilang artista."

When asked kung naseseksihan ba siya sa bagong Darna na si Marian, mabilis agad ang naging tugon ni Mark.

"Ay, opo! Una pa lang, Dyesebel pa lang, sabi ko, isa sa pinaka-seksing babae 'to ng Pilipinas," patungkol ni Mark kay Marian.

ROLE SWAPPING. May nasulat na in-offer din daw kay Mark Herras ang role na ginagampanan ni Mark Anthony sa Darna ngayon. Ano'ng reaction niya na sa kanya pa rin ito ibinigay?

"Siyempre, natutuwa ako, honored ako," sagot ng aktor. "Gustung-gusto ko ang proyektong ito. At para sa akin, ang tingin ko rito, My Super Ex-Girlfriend [Hollywood movie starring Uma Thurman and Luke Wilson]."

May balita rin na ang dream daw talaga ni Mark ay bilang "Cholo" ng Stairway to Heaven. Totoo ba ito?

"It's true," nakangiting pag-amin niya.

Na-disappoint ba siya nang mapunta ang role kay Dingdong Dantes?

"Hindi, hindi..." sagot ni Mark. "Kasi, hindi ko nga alam na pag-aari na ng GMA ang Stairway. Kasi beforehand pa, gustung-gusto ko na yun. Pero hindi ko alam na proyekto na pala yun ng GMA. So, wala lang, nandito naman ako sa Darna."

Ang pangalan naman ni Mark ang unang lumabas na gaganap daw bilang "Fernando Jose" sa Rosalinda, pero ibinigay ang role kay Geoff Eigenmann. Sa palagay ba ni Mark ay mas okey na sa Darna siya napunta?

"Sa tingin ko, mas okey na dito ako napunta. Kasi kung sa Rosalinda, tingin ko, hindi ako masyadong prepared," saad niya.

Dingdong Dantes. Dumalaw na ba si Dingdong sa taping nila ng Darna?

"Nagkita kami sa set ng All About Eve, napadaan siya dun. Nagkumustahan kami at saka kaibigan siya ni Papa [the late Rudy Fernandez]. Alam ko, very close sila ni Papa. So I guess, magaan yung loob niya sa akin."

Nagkasama sina Dingdong at Rudy sa telefantasya ng GMA-7 na Atlantika.

Ayon kay Mark, may plano raw siyang kausapin ang rumored boyfriend ni Marian.

"Alam mo, parang gusto ko nga rin siyang tawagan one of these days, to show him good gesture. Na this [his teamup with Marian] is completely for Darna," sabi niya.

Source: GMANews