Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PINALITAN

Author: Nitz Miralles

Bumilib si Rowena Agilda ng Tempo kay Marian Rivera dahil hindi niya kinakitaan
ng pagod at puyat nang ma-interview namin kahapon, 11 a. m. to 1 p. m. , to think na 5 a. m. na ng Saturday natapos ang taping nila ni Dingdong Dantes ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na kinunan pa sa isang dini-develop na resort sa Baras, Rizal.

May rason ang pag-harap ni Marian sa press at 'yun ay para ipaalam na sa March 22, 10:45 p. m. , na ang airing ng GMA News & Public Affairs Global Recession Special entitled Walang Pera.

Ihahatid ni Mike Enriquez ang special sa tulong ni Winie Monson at kasama si Marian sa papel ni Juana dela Cruz na iba't ibang biktima ng recession. Two days siyang nag-taping in different locations at natutuwa sa pagkakapili sa kanyang maging bahagi ng special.

Ibinalita rin ni Marian na sila ni Dennis Trillo ang tampok sa Lenten Special ng APT Entertainment na Sugat ng Kahapon na mapapanood sa April 11 (Black Saturday), 7-9 p. m. Kasama niya rito sina Gardo Versoza at Perla Bautista. Si Jun Lana ang sumulat ng script sa direction ni Mac Alejandre.

May paliwanag pala si Marian sa balitang pinalitan na siya bilang kapareha ni Piolo Pascual sa ini-endorse nilang Blue Water Spa. Ang alam niya, endorser pa rin siya ng spa, pero ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato ang makakasama.

Hindi niya alam kung nagbago ang desisyon ng owner dahil ang manager niyang si Popoy Caritativo ang kausap. Sa press lang niya nalamang si Karylle na raw ang co-endorser ni Piolo ng spa.

* * *

Nakita ng source namin si Atty. Felipe Gozon last March 10 sa Prince Albert Restaurant ng Hotel Intercon sa Makati. Ka-lunch nito ang anak na si Atty. Annette Gozon-Ab-rogar, GMA EVP and COO Jimmy Duavit, VP for Entertainment TV Marivin Arayata, Asst. VPs Darling de Jesus at Gigi Santiago-Lara at Senior Program Managers Bang Ares-pacochaga, Ruth Mariñas at Redgie Magno.

Sabi pa ng aming source, kaya inimbita ni Atty. Gozon ang ilang opisyal ng Entertainment TV ay para ibalita ang magandang resulta ng meeting niya kay Annabelle Rama. Ini-report ni Atty. Gozon na hindi na ipu-pull-out si JC de Vera sa GMA-7 dahil may kontrata pa ito at susundin ang nakasaad sa kontrata.

Napag-usapan din ang pagka-cast at pagtanggi sa roles na ina-assign sa mga artista, sinabi ni Atty. Gozon na ang network lang ang may final decision sa casting at walang puwedeng mag-demand kung sino ang dapat isama sa isang show.

Masayang natapos ang lunch-meeting at in-assure ni Atty. Gozon ang kaharap na importante silang lahat sa network.

* * *

This Sunday magsisimula ang four-part episode ng Dear Friend entitled Karibal at tampok sa masalimuot na love story sina Katrina Halili (Kim), Jewel Mische (Cindy), JC Tiuseco (Kiko) at Alfred Vargas (Ron). Kinunan ito sa Dakak Resort sa direction ni Jun Lana.

Sa istorya, bumalik si Kim mula Japan na bitbit ang madilim na sikreto sa naging buhay niya doon. Malayo siya sa tao dahil du'n, pero na-in-love sa kanya ang resort manager na si Ron.

Ang problema, in-love sa binata si Cindy na kapatid ni Kim na mahal naman ng lifeguard na si Kiko. Paano sasaya si Kim sa pag-ibig kung masasaktan ang kapatid niya? Panoorin mamaya after S. O. P. , hosts pa rin sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Incidentally, bukas lilipad ng Davao si Katrina to promote Sundo, pero babalik sa Tuesday morning para sa premiere night ng GMA Films movie sa March. 17 sa SM Megamall at para nandito siya sa showing nito sa Mar. 18.

* * *

Mamaya na, after TV Patrol Linggo">TV Patrol Linggo, sa Sunday's Best slot ng ABS-CBN mapapanood ang Gary V Live @ 25 concert ni Gary Valenciano. Personal na in-edit ni Gary ang two-night at ang sold-out repeat ng concert para gawing special na dapat mapanood ng lahat.

Sabi sa press release, "Gary even digitally edited the special" at may mga tinanggihang shows para mag-concentrate sa post-production at pag-i-edit ng special. Bumili pa ito ng computer at ilang mamahaling equipment na ginamit sa pag-i-edit.

Hindi lang ang production numbers, spot numbers at dance numbers ang mapapanood sa special, pati na ang maraming celebrities na nanood sa Araneta Coliseum ng Live @ 25.

* * *

Sume-segue nang pagkanta si Joey Lina ng ilang lines sa songs sa kanyang seven-track Nagmamahal album habang ikinukuwento kung paano siya nagsimulang kumanta, kung paano nabuo ang grupo nila ni MMDA Chair Bayani Fernando at Sec. Angelo Reyes, hanggang sa release ng kanyang album.

Classical at contemporary songs ang kasama sa CD Lite gaya ng You'll Never Walk Alone, Kung Nasaan Ka Man, Dakilang Lahi, This Is The Moment, Hanggang, The Prayer at Impossible Dream. Sa The Prayer, kasama ni Mr. Lina ang mga anak na magagaling kumanta.

Hindi pa commercially released ang album, pero may TV guestings at may mall tour si Mr. Lina to promote his album. Inihahanda na rin ang second album niya kasama sina BF at Sec. Reyes.

Mapupunta sa Bayanihan Filipino ang kikitain ng album, gaya ng concerts na ginawa niya ng mga kaibigan. Saka na raw siya magdi-demand ng talent fee.

Source: People's Tonight