Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

PMPC, binoykot ng mga bossing ng Siyete

Author: Ernie Enrile
Column: Mismo

ALAM n'yo bang sa pelikulang Anak ng Kumander, hindi lang kay Ara Mina may kissing scene si Manny Pacquiao, kundi pati sa isa pang female lead na si Valerie Concepcion?

At knows n'yo rin ba na pagkatapos kunan ni Direk Jose "Kaka" Balagtas ang lips-to-lips nina Pacman at Valerie, naihi ang una?

Actually, kasama ang lima pang colleagues, naroon kami sa set ng said Metro Manila Film Festival entry, kung saan kinunan nga ang importanteng eksenang 'yun ng dalawang bida.

"Goodbye kiss" kunwari 'yun ng magdyowang rebelde. Kailangang umalis para sa isang misyon ni Ka Maya (Valerie) at maiiwan sa kampo ang kanilang supremo, si Ka Edel (Manny), na puno ng pag-aalala at baka nga naman hindi na makabalik nang buhay ang minamahal.

'Yung mahigpit nilang yakapan sa umpisa ay nasundan ng maalab na halikan, na kung hindi marahil sa istorbong ambon sanhi ng masamang panahon, baka nagkaroon ng ilang takes tulad ng controversial kissing scene nina Manny at Ara, dahil "perfectionist" pareho sina Manny at Direk Kaka. Hehehe!

At least, tumagal ng halos 30 seconds ang "one on one" ng dalawa, sapat na upang masabing tao lang sina Manny at Valerie, pati ang maraming miron sa set, upang walang maramdaman.

Pagkatapos ng take, sinundan namin sa aircon tent si Manny para sa ambush interview ng grupo.

Kauupo pa lang nito at ready na sa tsikahan, nag-excuse agad na dyi-dyingel daw muna.

Base sa na-sight ng isang baklitang kasama namin sa crotch ni Pacquiao, wala raw dudang tinablan ang actor-produ sa eksena nila ng hitad na si Valerie.
Take one pa lang 'yun, huh!

* * *
WALA ring patid sa pagbibigay-kasiyahan ang The Library sa pamamagitan ng magagandang show sa mga suki.

Nu'ng Martes, Nov. 20, nagbigay ng isang libo't isang katuwaan ang pamosong Lola Divas sa pamamagitan ng mga bagong repertoire.

Kinabukasan, Nov. 21, isang aliw to the max na gabi ang itinampok ni Andrew "Mamu" de Real sa pamamagitan naman ng solo performance ng magaling na stand-up comedian, si Super Mike, a. k. a. Mitoy.

Special naman ang gabi ng Lunes, Dec. 3, na hindi dapat palampasin. Birthday show kasi ito ng multi-talented and gorgeous Eva Papaya.

Makakasama ni Eva Papaya ang grupong Raging Divas.

The Library is located at Maria Orosa St. , in-between Gen. Malvar and Nakpil Sts. , Malate, Manila.

* * *
MIXMO: Congrats sa lahat ng winners ng katatapos na PMPC Star Awards for TV. Kailangan yatang papaniwalain muna ng PMPC ang isang invited celebrity na "winner" ito sa isang particular award upang siguradong dumalo, at hindi maging "starless" ang supposedly ay big event para sa mga taga- telebisyon.

Kasisimula pa lamang ng programa, namataan na namin sa lobby ng teatro ang ilang Kapamilya bigwigs, headed by Cory Vidanes, na laging may ready smile sa mga dati nang kakilalang press.

Unlike before na full force ang suporta ng Kapuso Network sa PMPC, nitong nagdaang Linggo, ni isang taga-Siyeteng top gun, wala kaming namataan.

Tama ang kutob naming ang major award na Best Station ay nakuha ng ABS-CBN.

Lima ang nominees sa Best Comedy Actress, namely Maricel Soriano, Toni Gonzaga, Julia Lopez, Tiya Pusit at Pokwang.

Hindi umapir sina Marya at Toni. Ang naroroon lang ay sina Julia, Tia Pusit at Pokwang.

So, ang resulta, nag-tie sa said award sina Tiya Pusit at Pokwang. Ooops, paano na ang byuti ni Julia? Bakit 'di ginawang triple tie, tutal nag-effort din itong dumalo?

May problema, iisa lang ang trophy for BCA. Sinunggaban agad ito ni Pokwang, lalo pa't first-timer siya sa naturang award.

Nasa kanyang pangangalaga muna ang trophy ng ilang araw, tapos, ipahihiram niya ito kay Tiya Pusit.

Mistulang big deal nga ang set-up para sa isang bobitang reporter kuno. Inintriga pa si Pokwang kung paano raw ang magiging hatian ng dalawa sa iisang trophy?

Muntik pa kaming mabuwal nang marinig namin ang tanong niya kay Pokwang, "So, ang award na pareho n'yong napanalunan ni Tiya Pusit ay Best Comedy Actress in a sitcom?"

Aray ko po!

Source: People's Tonight