|
|
| PMPC nanindigan sa resulta ng katatapos na Star Awards for TVAuthor: Vinia Vivar LUMABAS na ang official statement ng Philippine Movie Press Club (PMPC) hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng club kaugnay ng katatapos lamang na Star Awards for TV. Matatandaang ilang araw nang usap-usapan ang bayaran umanong nangyari upang manalo ang ilang nominado sa said award-giving body. Ilan sa pangalang lumitaw ay sina Sunshine Dizon at Jodi Santamaria, parehong nominado for Best Drama Actress. Sunshine bagged the trophy at diumano, ito ang dahilan kung bakit nagalit ang kampo ni Jodi at inakusahan ang ilang miyembro na bumaligtad. Tulad ng naipangako ng club, naglabas na nga sila ng official statement matapos ang paunang imbestigasyong isinagawa. Narito ang nilalaman ng PMPC official statement: "The past few days, the Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. had been getting negative reactions from some quarters about the alleged payoff or whatever is presumed by somebody who was allegedly approached by a non-voting member of the PMPC asking for dole-outs to protect the votes of a certain nominee as alleged by the source of the said money. "After a thorough preliminary investigation, the PMPC board of directors did not find any wrongdoing of any voting member as attested by those being accused of receiving monetary consideration in exchange of their votes for the said nominee for the Best Drama Actress category. "They are even willing to face the member who is accusing them of receiving such money. "The PMPC board of directors and its members stand firm by the awards given to the respective deserving winners in all categories of the just-concluded 21st Star Awards for Television and respect the decision of the club's voting members. * * * HINDI nag-deny, pero hindi rin naman umamin si Sen. Bong Revilla tungkol sa napapabalitang anak niya sa dating beauty queen na si Josephine Canonizado nang tanungin ito sa presscon ng December filmfest entry na Resiklo. Matatandaang matagal nang pinag-uusapan nang pabulong sa loob ng showbiz ang tsismis tungkol kay Sen. Bong at sa dating beauty queen, na for a while ay nag-artista rin. Nang mapabalitang nagsilang na ng anak si Jo (tawag kay Josephine), lalong uminit ang bulung-bulungan na ang action star/politician nga ang ama. "Ayokong magsinungaling," ang punchline ni Sen. Bong tungkol sa issue, kaya from there, mahuhulaan mo na rin more or less kung ano ang gustong iparating ng senador. "Wala namang sikretong hindi nabubunyag. We are public property. Talagang entitled ka na ano talaga. Basta ang ano ko lang, napakahirap ng sitwasyon, marami kaming dapat proteksyunan, pamilya. Ang hirap, tama na," sabi ni Sen. Bong na pabirong-totoo. At the right time, lalabas din naman daw ang totoo at reading between the lines, alam na rin naman daw natin kung ano ang totoo at hindi. Tinatanggap naman niya kung talagang anak niya dahil kilala naman ang Revilla sa ganu'n. "Ang tatay ko (former Sen. Ramon Revilla Sr. ), 'di ba, ang anak, 80. But I'm not saying na gawin n'yo. Hindi siya morally right. "May mga anak tayo na dapat proteksyunan. At bilang senador ng ating bansa, hindi rin tama. So, hindi dapat na kung ano mang bagay na pagkakamali, ipagsisigawan mo. " Nakikiusap din ang senador na huwag na munang mag-drag ng mga pangalan dahil marami ngang dapat isaalang-alang. Anyway, hindi naman daw kasama ang mga ito sa Resiklo at hindi raw niya leading lady ang babaing tinutukoy. Speaking of Resiklo, muli ay ipinagmamalaki ng Imus Productions ang nasabing pelikula dahil mas maganda pa raw ito kesa sa Exodus. "So, kung nag-No. 2 ang Exodus, kung susuwertehin, baka mas maganda pa ang outcome nitong Resiklo," he said. Ang nasabing pelikula ay hitik na hitik din sa special effects na tipong mala-Transformers, kaya naman expected na milyun-milyon din ang budget. Star-studded ang pelikula dahil kasama rin sina Jennylyn Mercado and Michelle Madrigal as Sen. Bong's leading ladies, Dingdong Dantes, TJ Trinidad, Paolo Contis, Ella Cruz, Benjie Paras, Empres Schuck, ang mga anak ng senador na sina Jolo and Bryan at marami pang iba. Source: People's Tonight |