|
|
| Paalala sa mga artista ngayon, pahalagahan ang swerte![]() Column: Take It Take It Humihingi ng tulong ang dating sexy star na si Carmen Ronda dahil na-demolish o itinumba ang bahay na kanyang tinitirhan sa Antipolo. Nakakaawa ang kalagayan ni Carmen na naging in demand Sino ang mag-aakala na darating ang araw na maghihirap siya? Pareho sila ng kapalaran ni Didith Reyes na over din ang kasikatan noong araw pero naghirap dahil hindi inalagaan ang suwerte na dumating sa kanya. Ilan lamang sina Carmen at Didith sa mga dating sikat na artista na naghirap dahil hindi sila naging masinop. Nandiyan ang mga sexy stars na sina Josephine Manuel na naging kasambahay at labanders, si Sarsi Emmanuelle na naging takilyera sa perya, si Cherry Madrigal na dating tambay sa mga TV stations at nagtitinda ng mangga. Kawawa ang mga naging kalagayan nila. Hindi mo iisipin na naging bida sila Ang mga nangyari sa kanila eh magandang aral sa mga artista ngayon na hindi marunong magpahalaga sa suwerte na tinatamasa nila. Iwasan ninyo ang masasamang bisyo. Ang pag-inom ng alak, sugal at ang paggamit ng mga bawal na gamot. Marami na akong artista na nakita na nawalan ng direksyon ang buhay dahil gumamit sila ng drugs. Huli na nang matauhan sila. Hindi na sila makaahon sa bisyo na kanilang nakasanayan. * * * Maraming salamat kay Manay Ichu Vera-Perez Maceda dahil siya ang pasimuno sa healing mass para kay Rudy Fernandez noong Sabado sa Christ The King Church sa Palagi kong inilalagay ang exact address ng Christ The King dahil may mga artista na naligaw dahil nagpunta sila sa Christ The King Church sa Greenmeadows. Ang simbahan na katapat ng dating Viva Films office ang pinagdausan ng misa para kay Daboy. Na-late man ako ng dating dahil nanggaling pa ako sa Startalk, nakaabot pa rin ako sa misa. Natuwa ako dahil parang reunion ang nangyari. Nakita ko ang stuntmen na nakatrabaho ni Daboy sa mga pelikula niya. Mga stuntmen na hindi malimutan ang mga tulong na ibinigay sa kanila ng mag-asawang Daboy at Lorna Tolentino. Dumalo rin sa misa ang mga direktor, artista, reporters at talent managers na nagmamahal kina LT at Daboy. Naroroon sina Johnny Delgado, Laurice Guillen, Armida Siguion-Reyna, Tirso Cruz III at Lyn Cruz, Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Rez at Cindy Cortez, Susan Roces at ang anak na si Mary Grace, Sen. Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, Ai Ai delas Alas, Robin Padilla at ang mga anak nito, Diana Zubiri, Iza Calzado, Paolo Contis at marami pang iba. Nakalagay sa mga diyaryo ang healing mass para kay Rudy kaya hindi na ako nagulat nang maabutan ko sa harap ng simbahan ang mga fans na gustong makita ang kanilang mga hinahangaang artista. Si LT ang nagbabantay kay Rudy sa ospital kaya ang mga anak nila ang dumalo sa misa. Nag-thank you sila sa lahat na nagdarasal para sa healing at recovery ng kanilang ama. * * * Hindi nakadalo sa misa si Christopher de Leon dahil nasa Kung nandito sa bansa si Boyet, siguradong present sila ni Sandy Andolong sa healing mass dahil sponsor nito ang Oasis of Love Charismatic Community. Hindi rin nakarating si Sen. Bong Revilla dahil hindi nito maiwanan ang isang importanteng appointment pero regular naman ang pagdalaw at pangungumusta niya kay Rudy. Hinihiling ko sa mga dear readers ng PSN ang patuloy na pagdarasal para kay Rudy at kay LT na talagang kahanga-hanga ang katatagan. Source: The Philippine Star |