Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Paalam at maligayang paglalakbay, Douglas!'

Author: Nitz Miralles

Unang nagkabati sa burol ni Douglas Quijano ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez at sumunod sa kanila sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto. Wednesday ng gabi unang nagkita ang dalawa, pero hanggang beso lang sila at wala na.

Thursday night, sa Mass na sponsored ng PAMI (Professional Artists Managers, Inc. ), nagbeso, nagyakapan ng medyo matagal, nagtabi sa upuan at nagpa-interview pa ang dalawa.

Sabi ni Gretchen: "Hindi na namin kailangang mag-usap ni Nads, nagkakaintindihan na kami. "Walang nasirang friendship sa amin, tumahimik lang sandali at alam kong darating ang time na maghaharap kami, panahon lang ang kailangan at ito na ang panahong 'yon. "

Sabi naman ni Nadia: "Ito ang gusto ni Dougs, ang magkabati kami ni Gretchen dahil tuwing nagkakausap kami, lagi niyang tinatanong kung bati na kami.

"Right time lang ang kailangan. At least ngayon, kahit saan kami magkita, wala nang ilangan, pero gusto ko pa ring makausap siya ng one-on-one for the whole story to come out. "

It was one night na star-studded ang wake ni Douglas dahil dumating si Susan Roces kasama sina Mary Grace Poe-Llamanzares at Sheryl Cruz.

Naroon din si Batangas Gov. Vilma Santos, mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, Maricar de Mesa at Richard Gutierrez.

Dumating din sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pero hindi na hinintay ang Mass.

Kumanta si Pops Fernandez ng Paano Kita Pasasalamatan, Bridge Over Troubled Water naman ang kinanta ni Tirso Cruz III at Hindi Kita Malilimutan ang kinanta ni Erik Santos.

Galing pa mula sa farm nila sa Mataas na Kahoy, Lipa, Batangas, sina Aga at Charlene at bumalik din doon pagkatapos ng Misa.

Naiwan daw kasi roon ang kambal nilang sina Atasha at Andres, ani Charlene sa press.

Wala man ang manager niyang si Girlie Rodis, na miyembro rin ng PAMI at nasa ibang bansa, dumating pa rin para makiisa si Rachel Alejandro.

Nakita rin namin si Pia Guanio, na alaga ni June Torrejon-Rufino, pero hindi nito kasama ang dyowang si Vic Sotto.

Sa maikling pakikitsika namin kay Goma, sinabi nitong si Gary Valenciano ang kinuha nila para kumanta sa Bench night kagabi at anim daw ang kakantahin nito.

Kung natuloy ang plano, magkakaroon ng konting kasiyahan pagkatapos ng Misa, dahil nagpatawag ng piyanista si Goma.

Ayon pa sa kanya, natuloy ang meeting nila ng iba pang mga alaga ni Douglas, pero wala pa silang napagkayarian tungkol sa magiging bagong manager at sa pagtatayo ng binabalak ng foundation, dahil may second meeting pa sila na gagawin bukas, Linggo.

One day short lalagpak, July 23, ang 40th day ni Douglas, at sabi ni Goma, sa bahay nila ni Lucy sa Greenhills ito gagawin.

As of this writing, hindi na matutuloy ang paglilibing ng mga abo ni Douglas sa Loyola Memorial Park sa Marikina, dahil balak yata ng pamilya niyang dalhin ang urn sa Lucban, Quezon.

Sa totoo lang, hanggang nu'ng Huwebes ng gabi'y marami pang planong nababago.

Kaya, babalitaan na lang namin kayo sa susunod na kolum.

Kay Douglas, na mahal na mahal ng mga taga-industriya, paalam at maligayang paglalakbay!

* * *

Ilo-launch bukas sa Showbiz Central ang bagong segment na may working title na This is My Life at tungkol sa pinagdaanan ng mga artista bago sumikat.

Featured sa pilot episode si Marvin Agustin, na super layo naman talaga ang narating.

Mala-documentary at inspirational ang episode at marami ang matututunan ng viewers.

Si Ogie Alcasid ang sasalang sa Don't Lie to Me at good luck kay John Lapus kung mapagsasalita niya ito sa November wedding ni Michelle van Eimeren.

Si Aljur Abrenica ang iinterbyuhin ni MoTwister sa Gimme Mo at marami pang balitang artista sa first part ng two-part anniversary episode ng Showbiz Central.

* * *

Puwede nang makakuha ng 5Max Movies update ang avid viewers ng 5Max Movies ng TV5 sa cellphone.

To subscribe, text 5Max MovieS On and send to 2256.

May daily movie schedule na ipadadala para araw-araw kayong updated sa mga pelikulang ipalalabas sa TV5.

Gaya this Saturday, ang featured movie ay ang third installment ng Wild Things trilogy, ang Wild Things: Diamonds in the Rough, na may halong tema ng sex, deception at blackmail.

Bukas Sunday, palabas naman ang science fiction-action movie na Ultraviolet starring Mila Jovovich at tungkol sa engkuwentro ng genetically-enhanced mutants at totalitarian government dictatorship. Napapanood ang 5Max Movies 9 p. m. , Monday to Friday.

* * *

Naghahanap ng bagong artista ang DMV Entertainment para sa pelikulang isusunod sa Heavenly Touch at Walang Kawala to be directed by Joel Lamangan. Open ang audition for lead and supporting roles, dapat guwapo, 18-24 years old, hunk, marunong magsayaw ng hip hop, marunong umarte at willing magpa-sexy.

Ang mga interesado ay pumunta sa audition this Saturday, 1-6pm sa #5 Scout Magbanua St. , malapit sa Roces Avenue, Quezon City at harap ng Amoranto Stadium. Call 3741361 or 4150373 and look for Chino or Beth.

Source: People's Tonight