|
|
| Pacman at Ara Mina, magkasama sa partidoAuthor: Ogie Diaz Kalat na kalat na nga sa District 2 ng Quezon City ang balitang tatakbong congressman si Manny Pacquiao at si Ara Mina naman, konsehal. Iisa ang kanilang partido. Ang kasalukuyang congresswoman na si Annie Susano ay matunog na tatakbong mayor ng QC, kaya ang inaawitan daw nitong tumakbong congressman ay si Manny. Dahil balitang tatakbong konsehal si Ara, as usual, simula na naman ito ng intriga sa pagitan nila ni Aiko Melendez, na nasa kanyang last term bilang konsehala. Ano nga ba ang plano ni Aiko sa 2010? Tatakbo ba siyang congresswoman sa Distrrict 2 o vice mayor ang kanyang tatargetin? "Mader, ayoko munang magsalita. Basta, abangan mo na lang," sey ni Aiko. May ganu'n? * * * Hanggang ngayon pala'y hindi pa rin nagpapakita kina Joross Gamboa ang matagal nang masahista ng kanilang pamilya at nagnakaw ng kanyang laptop. "Hindi talaga namin maisip na magagawa niya 'yon, kasi ang tagal na namin siyang masahista, eh. " Sa presscon ng filmfest entry ng OctoArts Films, ang One Night Only, nagpasalamat na lang si Joross dahil wala pa siyang nababalitaang kumalat sa Internet ang mga private video na naka-save sa kanyang laptop. Hmp! Ano kaya ang mga video na naroroon? "At least, makita man 'yon, hindi naman nakakahiya 'yung akin! Hahaha!" Aba, nagbigay pa ng clue, huh! Takamin ba ang mga bading? * * * Speaking of One Night Only, alam n'yo bang laugh daw nang laugh ang isang member ng filmfest committee nang mapanood nito ang buong pelikula na isinulat at dinirek ni Joey Reyes? Ang sabi pa: "Sa lahat ng pelikulang napanood ko, itong One Night Only ang nakakatawa!" Alam n'yo kung sino ang nagsabi nito? Hehehe. Ayaw niyang ipabanggit ang name niya, eh. Kainis. * * * "Paiyakin n'yo na 'ko, kaya ko pa, dahil madali lang mag-drama, pero grabe itong ginawa ko sa Dragonna, dugo at pawis talaga para lang maging makatotohanan. "Buti pa nga, nandiyan sina Bayani (Agbayani) at Tito Long (Mejia) na gumanap na mga tatay-tatayan ko, at least, tumatawa ako sa set!" Ngayong Sabado na (6 p. m. ) ang pilot telecast ng Komiks Presents Mars Ravelo's Dragonna, kung saan ang bida, kapag binu-bully o inaapi, ay nag-iinit ang katawan at puwedeng mapaso ang mga kalaban. Mapaso kaya kay Shaina Magdayao si Jake Cuenca? O, iganti niya kaya rito si Roxanne Guinoo? Naku, personalan na raw, o! * * * Oy, honest, ha? We're so happy for Jao Mapa, dahil kasama pala siya sa Baler na entry ng Viva Films for Metro Manila Film Festival. Alam naming hindi na bata si Jao, may asawa at mga anak na rin siya. Pero wish namin, sana'y simula na ang Baler (na take note, ang production cost ay umabot sa P100M, huh! At ang husay-husay raw dito nina Jericho Rosales at Anne Curtisd, in fairness!) sa kanyang pagbabalik-showbiz, kahit hindi na pambida at pang-major support man lang. Nagkita na kaya sila ni Rosanna Roces? Naku, ang layo raw ng tanong namin, o! Source: People's Tonight |