Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pacman makaka-jamming si Ely Buendia

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

ISANG kakaibang casting ang magaganap ngayong Sunday sa Show Me Da Manny nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

Guest si Ely Buendia sa No. 1 sa rating na sitcom for the first time, matapos sumailalim sa heart operation ang sikat na singer ng banda.

Aba, hindi lang si Ely magpapatawa sa show dahil may jamming session pa sila ni Manny Pacquiao.

Exciting ang episode dahil first time din kakanta ang Pambansang Kamao sa kanyang sitcom.

Tiyak na masayang episode ito dahil may jamming session na magaganap.

Tatlong linggo na ring namamayagpag sa rating ang Show Me Da Manny.

* * *

ISANG honor kay Jackie Woo na mag-guest sa No. 1 sitcom na Show Me Da Manny

Maraming eksenang kinunan sa kanya kasama si Manny at ayon kay Jackie, fan siya ng boxing champ.

Pabalik-balik ng bansa si Jackie dahil nagtatrabaho siya on routine basis. May mga project siyang ginagawa dito bilang aktor at producer ng pelikula.

Katatapos lang niyang gawin ang Walang Hanggang Paalam at si Lovi Poe ang kanyang leading lady.

Ayon kay Jackie, ipalalabas din sa Singapore at Dubai ang naturang pelikula na parehong may international film festival.

Role ni Jackie sa Show Me ang ex-bf ni Rochelle Pangilinan na nag-Japan bilang entertainer. Japanese naman talaga si Jackie kaya convincing ang role niya.

Bukod sa pagiging actor, singer din ni Jackie at black belter sa karate.

Dahil sa kaalaman niya sa martial arts may mga pelikula siyang nagawa sa China, Taiwan at Hong Kong.

* * *

TINUTOO na ni Patrick Garcia ang sinabing kapag nakahinga na sa mga problema niya, babalikan niya si Glaiza de Castro para muling ligawan. Lalo raw yatang na-inlove si Patrick kay Glaiza habang nagti-taping ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

Ayon sa aming source na nakausap namin sa pres-scon ng Stairway to Heaven, nalungkot daw si Patrick sa pagtatapos ng taping ng Kung Aagawin, kaya pinapasyalan na lang niya si Glaiza sa bahay nila sa Valenzuela City.

At may dala pa siyang chocolates and white roses para kay Glaiza, huh!

May bagong project ngayon si Glaiza, ang Stairway to Heaven. Role niya dito si Eunice, ang babaing kaagaw ni Jodi (Rhian Ramos) sa puso ni Cholo, na role ni Dingdong Dantes.

Bukod kay Jean Garcia, pangunahing kontrabida si Glaiza ng Stairway.

Bitchy siya rito na magpapaluha nang husto kay Jodi.

Malapit nang magtapos ng Kung Aagawin habang ang Stairway ay mapapanood sa Lunes.

* * *

MULING itatanghal ng Chamber of Cosmetics Industry of the Philippines (CCIP) ang Pilipinas, Ang Ganda Mo! kasunod ng matagumpay na pilot cosmetics fair nito last year.

Ito ay gaganapin sa SM Megatrade Hall 1, SM Megamall, mula September 18 hanggang 20.

Binubuo ng 76 members, ang CCIP ay isa sa pinakamatagal at pinakamalaking organisasyon sa Pilipinas sa larangan ng cosmetics industry.

Isa sa main participants sa Pilipinas Ang Ganda Mo! ang Psalmstre Enterprises, Inc, manufacturer and distributor ng New Placenta beauty soaps.

Bukod sa product showcase ng New Placenta, Olive C at Glutamin skin care products, magbibigay din ng special discounts, gift packs at special promotional package para sa kanilang facial/spa treatments.

Media partners ng Psalmstre ang Morning Star Productions at Showbiz Sosyal Publishing House para sa special coverage ng cosmetics fair 2009.

Source: Taliba