|
|
| Pacman nagblow-out ng 3 litsong baka sa taas ng rating ng sitcomAuthor: Noel Asiñas MASAYANG-MASAYA si Manny Pacquiao sa resulta ng kanyang Show Me Da Manny. Naka-23. 1 percent rating ang kanilang pilot episode at inaasahang tataas pa dahil talagang masaya ang show na pinagbibidahan din ni Marian Rivera. Last Tuesday sa taping ng sitcom ay nag-blowout agad ng tatlong litsong baka si Manny para sa buong staff at cast ng show. Naka-schedule ding mag-guest sa isang episode ng sitcom ang magkumpare at mag-bestfriend na sina Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada kaya super-saya sa set, ayon pa sa aming source. Kayod din si Manny sa pag-taping para reserba dahil middle of September ay aakyat si Manny sa Baguio para simulan ang kanyang training. * * * PINAGKAGULUHAN nang husto si Marian Rivera at sina Mark Anthony Fernandez, Iwa Moto at Nadine Samonte nang pumunta sa Cebu City ang buong cast ng Darna. Ayon sa source naming taga-production ng GMA-7, hindi mahulugang-kara-yom sa rami ng taong du-magsa sa mall kung saan nag-perform ang grupo ng Darna sa Cebu. Talagang tuwang-tuwa ang mga tao na makita nang personal si Marian. Hit kasi ang Darna sa Cebu, kaya maituturing ang Darna na No. 1 Kapuso show sa Queen City of the South. Mabibingi ka sa tilian ng mga tao kapag binabanggit ang pangalan ni Marian. Ganyan na talaga kasikat ang female superstar ng GMA-7. Hindi kataka-taka na No. 1 din sa MegaManila ang Darna sa rating nito na 42% above rating, ayon sa AGB Nielsen. * * * Samu't saring reaksyon mula sa mga magulang na nahuling nakikipaghalikan ang kanilang anak ang tampok sa Bubble Gang nga-yong Biyernes. Susundan ito ng skit tungkol sa isang "posh" make-up artist na hindi pala marunong maglagay ng make-up. Sa "Ang Spoiled," mag-pupumilit si Angelina na baguhin ang kanyang hair do pero hindi papayag si Yaya. Sino kaya ang masusu-nod sa kanilang dalawa? Riot talaga sa katatawa-nan ang Bubble Gang na mapapanood tuwing Bi-yernes pagkatapos ng GMA Telebabad. * * * Hindi lang sa kalokohan at katatawanan magaling ang Lokomoko High at Ogags stars ng TV5. Ngayong Linggo, magpapakitang-gilas at magso-showdown sa Shall We Dance ang buong cast ng mga nasabing show, with Lokomoko High members Alex Gonzaga, Cara Eriguel, Valeen Montenegro, Krista Valle, Kim Gantioqui, Randolf Stamatelaky, Empoy Marquez, JB de Leon, Caloy Alde at Long Mejia versus Ogags stars Arianna Barouk, Smurfette, at ang Ogagsters. May special opening number din siyempre ang Shall We Dance stars na sina Lucy Torres-Gomez, Regine Tolentino at Edna Ledesma kasama sina Alex Gonzaga, IC Mendoza, at Roxanne Guinoo. Sino kaya sa kanila ang mahusay sa pagsasayaw? Find out sa special anniversary episode ng Shall We Dance this Sunday, 8:30 p. m. sa TV5. * * * IBANG comedy na naman ang ipapakita nina Jose Manalo at Wally Bayola para sa Wow, Hayop nga-yong gabi. Lalabas silang mag-among aso at trainer, kaya nakakatuwang eksena ang hatid nila. Ang continuation ng Greatest American Dog, ang reality show ng mga aso sa America na sinusubayba-yan ng marami ang tampok sa ikalawang season ng Wow, Hayop after Telebabad ng GMA-7. Source: Taliba |