|
|
| Pacman papalitan sa Pinoy RecordsAuthor: Noel Asiñas NAGSALITA na si Manny Pacquiao sa pagbabalik-Kapamilya niya. Bumalik na ang Pambansang Kamao sa dating network matapos magtampo sa mga hindi magandang komento tungkol sa kanya. At ngayon ay umalis si Manny sa network na nagbigay sa kanya ng suwerte sa boxing. Nang lumipat siya sa Kapuso Network, puro panalo ang kanyang laban at dahil sa sunud-sunod na panalo tinawag siyang hari ng pound for pound sa boxing sa buong daigdig. Ganito rin kayang su-werteng matanggap niya sa kanyang paglipat? Dahil sa pag-alis ni Manny sa Kapuso, marami ang nagtatanong kung sino ang ipapalit sa Pinoy Records. Marami kaming nakausap na nagsabi na bagay si Nonito Donaire, ang reigning IBF flyweight champion, bilang co-host ni Chris Tiu dahil pareho silang magaling magsalita, English man o Tagalog. Pero tiyak na hahanap-hanapin din ng fans ng Pinoy Records si Manny kasi nga talagang mapapatingin ka kapag siya ang nagde-deliver ng lines. Ngayong Sabado, mapapanood ang laban nina Andrea del Rosario at Maui Taylor sa titulong Bikini Queen para sa Celebrity Face Off. Si Victor Aliwalas ng Artist Center naman ay makakalaban sa takbuhan ang isang greyhound na isang klase ng aso para sa Pinoy vs Wild Celebrity Edition. Sa Pacman Record naman, mapapanood ang Strawberry Festival. * * * PANGARAP ni Mon Confiado na magkaanak na sila ni Ynez Veneracion. Sampung taon na rin silang magdyowa pero hindi pa sila nagkaka-baby, ani Mon sa presscon ng T2, ang horror-suspense-drama ni Direk Chito Roño na tampok din sina Maricel Soriano, Eric Fructuoso at Camille Prats. Kasama rin sa pelikula si Derek Ramsey bilang partner ni Maricel at si Tetchie Agbayani. Tampok din siyang kontrabida ni Robin Padilla sa soap ng GMA-7 na Totoy Bato. * * * MASAYA sina Anjo Yllana at Eugene Domingo sa success ng first airing ng Cool Center. Pagkatapos ni Marian Rivera na mag-donate ng sapatos para makipag-barter sa televiewers, susunod naman ang partner ni Marian na si Dingdong Dantes na magpapa-bid para sa kanyang paboritong shade. Tumawag nang maaga sa Cool Center para ma-entertain agad ang inyong bid. * * * MAGSISIMULA na naman ang panibagong prem-yo sa Family Feud. Madalas nang makuha ang P150 thou grand prize. kaya ngayong araw ay makuha kaya ng pamilya Peña o pamilya Eugenio ang daily grand prize? Siyempre, tuwang-tuwa si Richard Gomez kapag may nananalo ng grand prize, kasi may napapasaya siyang mga tao. Source: Taliba |