Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pacquiao, magdadrama sa 'Totoy...'

Pacquiao, magdadrama sa 'Totoy...'

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

MATINDING pasa­bog daw ang mangyayari ngayong 2009 sa GMA 7, dahil puro de-kalibreng programa ang ihahandog nila sa mga manonood.

Sa Feb. 09 nga ay ila­labas na nila ang maiinit na romansa nina Ma­rian Rivera at Dingdong Dantes sa 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang', bilang kapalit ng LaLola nina R­hian Ramos at JC de Vera.

Pero, mas kaabang-abang para sa mga barako ang Totoy Bato nina Ro­bin Padilla at Regine Velasquez, lalo na at kasama rito si Manny Pacquiao.

Kakaibang Manny Pacquiao nga raw ang makikita sa Totoy Bato, ayon kay Ms. Redgie Acuna Magno, ang isa sa mga lady boss ng GMA 7.

“Ibang-iba, dahil magdadrama siya sa Totoy Bato. And then, magbu-boxing din siya,” say pa ni Ms. Magno.

Sa kuwento ng Totoy Bato, lalabas din si Eddie Garcia (Fredo) bilang trainer ni Pacquiao. Pero, dahil makikita ng isang foreigner ang husay ni Pacquiao, iiwan niya si Eddie, at sasama sa natu­rang foreigner para mas maging bihasa sa pagbu­boksing.

Pero, hindi po lalabas na masama ang ugali ni Pacquiao sa kukwento, dahil kahit sumama na siya sa foreigner, hinding-hindi niya malilimutan ang mga naitulong sa kanya ni Eddie.

Na kahit malayo na sila sa isa't isa, gagawa siya ng paraan para matulungan si Eddie. Magpapadala siya ng pera kay Eddie, na iipunin naman ni Eddie para ipagpagawa ng gym na puwedeng pagdausan ng training ng mga boksingero.

At doon papasok ang karakter ni Robin Padilla, na mapipisil nga ni Eddie na ipalit kay Pacquiao bilang boksingero.

Kuwento pa ni Ms. Magno, maraming eksena sina Robin at Manny. At siguradong masaya si Robin, dahil idolo nga niya si Pacquiao, `di ba?

Tanong namin kay Ms. Magno, bakit kailangang magsama sina Robin at Pacquiao sa isang teleserye? Bakit hindi bigyan ng sariling teleserye si Pacquiao?

“Hindi naman niya kayang magkaroon ng sariling teleserye, dahil sa schedule niya,” sagot ni Ms. Magno.

Anyway, sa January 28 ay nasa Los Angeles si Pacquiao para makipagkita sa Holly­wood action star na si Sylvester Stallone.

Pag-uusapan ng dalawa ang pelikulang pagsasamahan nila. Si Sylvester nga ay isang masugid na tagahanga rin ni Pacquiao.

Pipilitin ng GMA na makapunta sa Pilipinas si Sylvester Stallone, para makapag-guest sa Totoy Bato.

Anyway, ilan pa sa mga pasabog na show ng GMA ay ang Zorro ni Richard Gutierrez, All About Eve nina Sunshine Dizon at Iza Calzado, Paano Ba Ang Mangarap nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, My Dad is Better Than Your Dad ni Paolo Contis, Hole in the Wall at Power of 10, at Cool Center.

Source: Abante