Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pacquiao, magpupugay sa Pinoy achievers

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

"OH MY GOODNESS" ang bagong favorite expression ni Manny Pacquiao.

"Oh my goodness" ang kanyang sagot na sinundan ng malakas na halakhak nang itanong ni Jun Nardo kung may balak ba siya na magpatanggal ng radio broadcaster ng dzBB (radio network ng GMA 7) ngayong Kapuso na ang kilalang boksingero.

Alam ng lahat na may kinalaman sa isyu nila ni Korina Sanchez ang tanong ni Jun kay Manny pero nagkaayos na ang dalawa.

Si Cristy Fermin ang gumawa ng paraan kaya nagkausap sina Korina at Manny.

Si Manny ang host ng Pinoy Records, ang una niyang TV show sa GMA 7 na mag-uumpisa sa Sabado (December 8) pagkatapos ng Wish Ko Lang.

Makakasama ni Manny sa Pinoy Records si Chris Tiu, ang basketball player na binigyan ng break sa telebisyon ng GMA 7.

Proud si Manny na maging Kapuso. As a matter of fact, hindi nahirapan ang mga executive ng GMA 7 na makipag-usap sa kanya.

Ikinuwento ni Miss Wilma Galvante na nagulat sila dahil pinirmahan kaagad ni Manny ang draft contract na ipinabasa nila nang mag-meeting sila.

Gustung-gusto ni Manny ang concept ng Pinoy Records na may sampung segment -- The Pacman Challenge, Idol ng Bayan, Todo Mo Na, Iba Ang Pinoy, Pacman On The Road, Sikat On The Spot,Pasikatan, Engkuwentro, Astig Ni Kid at Pinoy To The Max.

Ang Pinoy Records ang tribute ni Manny at GMA 7 sa mga Filipino achiever na tulad niya.

***

PINANOOD ni� MTRCB Chair Consoliza Laguardia at ng mga miyembro ng MTRCB ang Golden Compass noong� Martes nang hapon.

May mga nagrereklamo na anti-Christianity ang Golden Compass kaya hinihikayat nila ang mga manonood na i-boycott ang pelikula na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Ang verdict ng MTRCB? Binigyan nila ng PG rating ang Golden Compass dahil para sa kanila, isang simpleng fantasy movie at hindi anti-Christanity ang mga eksena at kuwento ng pelikula nina Nicole Kidman at Daniel Craig.

Nag-enjoy� sila sa panonood ng pelikula at highly-recommended ng MTRCB members na magkasamang panoorin ng mga magulang at kanilang mga anak ang Kidman-Craig starrer.

Nakahinga nang maluwag si Wilson Yuloque dahil sa desisyon ng MTRCB. Ang Pioneer Films ni Wilson ang nag-release sa Pilipinas ng Golden Compass.

Noong Martes nang gabi, hindi nakatulog si Wilson dahil inisip nito ang magiging kapalaran ng Golden Compass sa box-office.

***

Tumagal ng limang oras ang Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press.

Ginanap ang party noong Martes sa 14th floor ng ELJ Building. Imbitado ang buong puwersa ng entertainment press, pati na ang mga reporter na identified sa GMA 7.

May mga kasamahan kami sa panulat na pinaghandaan ang party dahil sa best in costume contest.

Naaliw kami sa kuwento tungkol sa isang reporter na sinita ng ABS-CBN guard dahil kinuha niya ang mga Christmas decor na nakalagay sa isang Christmas tree para gamitin na props sa kanyang Christmas-inspired outfit.����

Sina Donita Rose, Valerie Concepcion at Makisig Morales ang ilan sa mga ABS-CBN stars na nakisaya sa entertainment press.

Absent sa Christmas party ang mga big star ng Kapamilya network.

***

Si Will Devaughn ang kapareha ni Marian Rivera sa Desperadas (All They Need Is Love), ang Regal Entertainment Inc. movie na kasali sa 2007 Metro Manila Film Festival pero magbubukas sa mga sinehan sa January 1, 2008.

Dahil nasa loob siya ng PBB House, malabong makatulong si Will sa promo ng Desperadas, maliban na lang kung ma-evict siya bago sumapit ang Bagong Taon.

Extended hanggang January 2008 ang PBB Celebrity Edition 2. Kung hindi nagkaroon ng extension, hindi aabot ng Pasko ang PBB Celebrity edition kaya may tsansa pa sana si Will na makasama sa Parade of Stars sa December 24, 2007.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante