|
|
| Padre de Pamilya rekomendado ng Commission on Cathechesis at Catholic EducationAuthor: Joey Aquino STRONGLY recommen-ded ng chairman ng CBCP Commission on Cathechesis and Catholic Education na si Bi-shop Socrates Villegas ang pelikulang Padre de Pamilya na pinagbibidahan nina Ariel Rivera and Jacklyn Jose under the direction of Cesar Buendia. Naniniwala si Bishop Villegas na sa pelikulang ito, magiging mas maganda ang ating bansa at mas babait ang bawat Pinoy na makakapanood ng mo-vie. Tungkol sa culture of corruption, at kung paano naapektuhan nito ang isang pamilya, ang tema ng nasabing indie film na kasama rin sina Cedric Jose, Isabelle de Leon and Tessie Tomas, na guma-nap bilang isang corrupt na Mayor. May grand premiere ang movie on April 17 sa SM Megamall Cinema 9, pero magsisimula ang regular screening on April 29 sa lahat ng SM Malls in Metro Manila. * * * MAY pakiusap ang ka-patid natin sa panulat na si Yugel Losorata na ka-sama pala sa bandang Syato na may ipinu-promote na CD. Indie rock band sila kaya umaasa raw siya sa suporta sa mga kapatid sa panulat. Tibo ang carrier sing-le ng kanilang CD at sa street language, tomboy ang ibig sabihin ng tibo. As of press time, national anthem na raw ng mga lesbian ang Tibo, sa-bi sa amin ni Yugel. Si Yugel din pala ang sumulat ng kantang ito. Pero ewan lang namin kung saan siya nakakuha ng inspiration, he he he! Kasama rin niya sa banda si Mark Villago-mez, ang vocalist. Take note dahil meron na ring music video ang Tibo na idinirek ni Sig Sanchez. Teka. Kasama kaya sa music video ang mga Tivoli sa showbiz tulad nina Aiza Seguera or Panyerong Michael Mael? * * * MARAMI ang nakakapansin na nagkalat na sa mga poste around Quezon City area ang retrato ni Congresswoman Annie Susano kasama ang aktor na si Alfred Vargas. Kaya ang tanong ng friends namin sa bandang SM Fairview area, tiyak na bang tatakbo sa 2010 elections si Alfred o ginagamit lang siya ni Cong. Susano? May nagsabi sa amin na malaki ang possibility na tatakbo sa politics si Alfred next year. Magandang move na rin 'yon kung tutuusin. Dahil kung hindi niya masusungkit ang trono nina Dingdong Dantes and Richard Guttierez bilang mga prinsipe ng GMA7 network maganda na nga 'yong i-reinvent niya ang kanyang sarili as politician. That is, kung makalulusot siya. Remember, matatalino na rin ang mga Pinoy ngayon at hindi na na-dadala sa kaguwapuhan ng tumatakbong kandidato,'no! Lalo na nga-yon sa panahon ng krisis, naku! Heto pa! Medyo na-disturb din kami sa binanggit sa amin ng ilang mga taga-Kyusi na nasasakupan ni Cong. Susano. Kung pababayaan daw kasi ni Alfred na idikit ang kanyang pangalan kay Cong. Susano, malaki ang posibilidad na ma Luz Valdez , meaning matalo. Ganu'n? Ibig bang sa-bihin, walang charisma si Cong. Susano sa mga kalugar niya sa Kyusi? Source: Taliba |