Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pag-apology through text, isa pang insulto kay Boy Abunda ni Dra. Vicki

Author: Raymund Vargas
Column: Gala

NAG-APOLOGIZE na si Dra. Vicky Belo kay Boy Abunda sa pamamagitan ng isang text message na ipinakita pa sa Showbiz News Ngayon ng ABS CBN.

Komento ng ilan wala silang nakitang sinseridad sa paghingi ni Belo ng paumanhin at para bang sinasabi pa nitong bahala ka kung tatanggapin mo ang pagsosori ko. May bahid ng yabang ang text message ni Belo at isa pang uri ng pag-insulto kay Boy.

Maganda ang reaksyon ni Doc Manny, at ito ang isang bagay na pagpapakita ng propesyonalismo. Hindi siya nagsalita ng masama laban sa kapwa doktor. At dahil dito, mataas ang nakuha niyang text votes sa isinagawang survey ng SNN kung sino ang kanilang pupuntahan para magpaganda. Naka-165 text votes si Doc Manny kumpara kay Belo na nakakuha lang ng 21 text votes at 12 votes naman para sa 'wala' silang pupuntahan kahit sino sa dalawa.

* * *

NGAYONG Feb. 26-28, idaraos sa SMX Convention Center Mall of Asia ang Cosmetology 2009 Beauty,Wellness & Trends ng Philippine International Cosmetologist Association (PICA) na ang presidente ay si Fanny Serrano sa pakikipagtulungan ng Premier Events Plus Group, Inc.

Ang tatlong araw na event na ito ay kinapapalooban ng seminars at expo kung saan makikita ang latest trends sa hair care, nail care, cosmetics, fashion, gym equipments, massagers, aromatherapy at mara-mi pang iba.

Magkakaroon din ng Fa-shion Fair at Runway show kung saan gagawin din ang awards night na tipong Oscar Awards kung saan ang celebrities na sina Aga Muhlach, Gary Valenciano, Judy Ann Santos at Pops Fernandez ay mga naimbitahang magbigay ng awards sa mga nanalo sa ginanap na 1st Touch of Excellence Awards Competition last Jan. 26 sa The Arena sa San Juan City.

Ang naturang competition ay bukas sa lahat ng members ng iba't ibang samahan partikular na ang mga baguhan sa larangan ng pagpapaganda. Maraming dumalo mula pa sa malalayong lugar para makilahok sa proyektong ito ng PICA na ang mga miyembro ay mga kilalang beauty practitioners, salon owners na ang tanging hangarin ay maiangat ang kalidad ng kanilang hanapbuhay at i-professionalize ang kanilang hanay.

Maayos ang isinagawa nilang kompetisyon at hindi sila nagpapasok ng mga tao para hindi magulo at ma-kapag-concentrate ang competitors sa kani-kanilang ginagawa. At maging ang kinuhang mga hurado ay istrikto at ang seguridad ng mga ito ay mahigpit at walang pu-wedeng lumapit sa mga ito kahit ang mga namumuno ng PICA ay hindi puwedeng lumapit habang isinasagawa ng deliberations.

Ang resulta ng kanilang pagpili ay iniaabot sa mga taga-SGV at inilalagay sa isang tamper proof na sisidlan. Malalaman lamang ang resulta o ang mananalo sa araw ng parangal. Hindi rin nila isinabay sa araw ng competion ang mga exhibit at seminars para nga 'di magmuk-hang tiangge ang loob ng The Arena noong January.

At ngayong araw na ito (Feb. 26-28) nila isasagawa ang exposition at seminars na dadaluhan ng industry icons tulad nina Fanny Serrano na magbibigay ng seminar tungkol sa Professional make-up techniquea, si Cherry Reyes naman ng Tony& Guy naman ay tungkol sa la-test hair colors,cuts and style ang ituturo sa mga dada-lo sa seminars.

Kaya lahat ng gustong dumalo at matuto sa latest beauty, wellness at trends ay pumunta na sa SMX Convention Center bago mag 10 a. m. at tatagal ito hanggang ika-6 ng hapon.

Source: Taliba