Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagbabalik-Siyete ni Cristine dinedma ni Dennis Trillo

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MATAGAL nang walang communications sa pagitan nina Dennis Trillo at Cristine Reyes.

Kaya kung matuloy man ang paglipat ni Cristine sa network na nagbigay sa kanya ng unang big break sa showbiz bilang member ng StarStruck Batch 1 noong 2005, okay lang kay Dennis.

Kasi, wala na raw dapat pang balikan sa kanila ni Cristine.

Sa parte ni Cristine, ilang detalye na lang ng inaasikaso sa paglipat ni-yang muli sa Siyete.

Mayroon din nagsabing kaya napilitang bumalik si Cristine sa Siyete ay dahil na-offend ito nang i-spoof ng mga kasama sa gag show sa kabilang network ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kaibigang si Katrina.

Bukod dito ay matunog na siya ang gagawing pa-ngunahing kontrabida sa Rosalinda, ang soap na pagbibidahan ng baguhang si Carla Abellana.

Gayunman, dood boy daw ngayon si Dennis at walang karelasyon dahil tutok ang oras niya sa kanyang showbiz career.

Lalo't recently ay na-operahan siya sa buto sa may bandang paa.

Nakuha niya ang pinsan sa buto sa stunts niyang ginawa sa Gagambino, ang huling evening primetime soap niya sa GMA 7.

Then, every Sunady ay nasa SOP pa siya.

Two months din siyang nawalan ng soap pero hindi naman siya nawawalan ng guestings sa iba't ibang programa ng network.

Semi-regular na siya nga-yon sa Bubble Gang.

Sa bagong soap ni Dennis na Adik Sa 'Yo, may bago niyang ka-love team si Jenica Garcia.

At sa bago niyang show, sinabi niyang unti-unti na siyang nahahasa sa comedy scenes, pati ang tinatawag na comedy timing.

Dahil magka-love team sila ni Jenica, hindi maaalis na ma-link silang dalawa.

"Well, panahon lang ang makapagsasabi kung ma-develop kami sa isa't isa. Pero, ngayon hindi ko priority iyan," simpleng sagot ni Dennis.

At nnag interbyuhin ng press si Jenica tungkol kay Dennis, speechless ang da-laga ni Jean Garcia

Walang ginawa si Jenica habang ini-interview kungdi ang tumitig nang husto sa guwapong actor na partner niya.

Kasama rin sa cast bilang bida ang loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

* * *

KUNG mayroong boyfriend na masasabihan si Pauleen Luna ng Adik Sa 'Yo," ito ay walang iba kungdi ang ex-bf niyang si Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City.

Ipinagtapat ni Pauleen sa presss launch ng Adik Sa 'Yo last Wednesday na trule love niya si Mayor Sherwin.

Kasi, noong panahong sila ni Mayor Sherwin ay nadama din ni Pauleen na totoong minahak siya ng binatang mayor.

"Hindi lang kami nagtagal nang husto dahil sa personal differences. Si Mayor ay mahilig sa gimmick, ako home buddy lang. Dapat siguro, may mag-give in sa amin para magkasundo kami sa bagay na ito.

"Maipagmamalaki ko na naghiwalay kami na walang third party na involved, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinapalit sa akin and ako man ay ganoon din. Talagang gusto ko muna maging single, 'yung career lang ang inaatupag at walang nang ibang aalalahanin.

"Nagkahiwalay kami ni Mayor na magkaibigan. Minsan nagti-text lang kami. Talagang kaibigan na lang. "

* * *

SUPER-GUWAPO pala ang naging first runner-up ni Edgar Allan Guzman sa Eat Bulaga noon na si Andrew Miguel.

Malaki ang hawig niya kay Dennis Trillo.

Na-meet namin siya sa press launch ng kanyang DVD FreshMan ng Ivory Records, isang special interest video na magtatampok kay Andrew bilang unbeatable hunk sa showbiz.

Bago ginawa ni Andrew ang project na ito ng Videoflick, dumaaan siya sa masusing workshop under Laurice Guillen.

Bukod pa rito na-introduced din siya bilang young actor sa Cinemalaya entry na Astig sa direksiyon ni GB Sampedro.

Natapos na rin niya ang suspense-thriller na indie film Bayaw under Direk Monti Parungao.

May ire-release din na album si Andrew, bilang member ng trio nina Edgar Allan Guzman at StarStruck avenger Dex Quindoza, entitled i-YM-mo 'ko! under Ivory Music.

Sa FreshMan, makikita ang kakisigan ni Andrew dahil maselan ang topic ng DVD film na ito na tatlong beses na binigyan ng rated X ng MTRCB.

Source: Taliba