Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paggiling ni Aling Dionisia, kinaaaliwan!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

ISINULAT ko kahapon na may mga reklamo ang reader ng Abante na si Rex de Guzman kay Willie Revillame, na ang email address ay (mav_858@yahoo.com.).

At totoo nga, dahil sa kolum ni Jobert Sucaldito sa Bandera kamakailan ay 'yun din ang reklamo niya kay Willie.

Well, tsinugi-tsugi na namin ang ilang portion ng email ni Rex dahil na rin sa matinding banat niya kay Willie. Mahirap ngang ilabas ang buong email, dahil panay masasakit na salita talaga ang ibinato niya kay Willie.

Sana ay makatulong ang email na ito sa mga kinauukulan.

“Mr. Lorenzo, I hope you are a fair and competent columnist. We always respect your integrity in writing columns.

“We would just like to extend our absolute disgust on the way the show Wowowee show last Saturday was conducted! I don't know if it was only us, but we here in Central and Northern California chapters are disgusted by the way Revillame is conducting himself.

“Hindi namin alam kung napanood niyo 'yung Hephep Hooray portion nila, dalawa ang napasama sa finals, the younger one really wanted BUKAS but Revillame, kno­wing where the big prizes are, which is ridiculous by the way, tried to persuade the younger contestant to change her mind and take cash instead.

“It took Revilame almost 20 minutes not to open the jackpot prize, but when she finally changed her mind, Willie opened it without hesitation.

“I hope you guys are aware about this and should be courageous enough to write this! We here are in disgust!

“That Revillame should get out from that show and it would still be a hit!

“Why would he have the right to know where the big prizes are? No wonder, kahit anong gawin, 'di pa rin nila matalo ang kabilang show (Eat Bulaga).”
***

Wala namang reklamo ang readers ng Abante sa nanay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Parang aliw na aliw nga sila sa madalas na pagbu-ballroom dancing ni Aling Dionisia sa TV.

At sa Sabado, muling bibisitahin ni Karen Davila ang tinaguriang Pac-mom, upang magpaturo ng mga paboritong dance steps nito.

Aba, si Aling Dionisia na ngayon ang nagtuturo ng sayaw, ha! At marami raw ang gustong magpaturo sa kanya.

Naku, dancing queen na nga si Aling Dionisia. Talbog na sa kanya si Lucy Torres-Gomez, ha!

Anyway, ipapakita rin niya ang kanyang paboritong ma­mahaling damit at sapatos, na gamit niya sa pagsayaw.

Siyanga pala, ang natatanging kampeon na si Rhap Salazar ang magiging co-host ni Karen sa episode niyang ito sa Wonder Mom. Muli niyang ikukuwento ang karanasan niya sa pagkapanalo bilang Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World at Junior Grand Champion Performer of the World sa 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles.

Kikilalanin din ng “Wonder Mom” ang batang billiard champion na si Gillian Go at ang isang anti-dengue campaign sa Barangay UP. Hihikayatin din ni Karen ang mga taga-Pook Dagohoy na linisin ang kanilang kapaligiran upang maiwasan ang kinatatakutang sakit.

Ang Wonder Mom ay pinalalabas tuwing Sabado (9:45 a.m.) sa ABS-CBN.
***

Kasama ng masang Pinoy na tinotoyo dahil sa mga problemang kinakaharap ng bansa ay ang bandang Toyo na kinabibilangan nina Erwin Cuenca, Mike Garay, at Jon-Jon Lara. Ang grupo ay tumutugtog ng blues at old-time classic rock mula sa '60s and '70s. Ang Toyo ay hindi lang paboritong sawsawan sa bawat tahanang Pinoy; ito ay pinaghalong isip at musika, ang rakenrol ng masang Pinoy.

Ang Toyo ay lumilikha ng mga awitin na tumatalakay sa mahahalagang isyu ng lipunan na siyang tumatayong boses ng nakararami. Isa na rito ay ang Con My Ass, ang bagong awitin ng Toyo, na tahasang tumutuligsa sa Constituent Assembly.

Sa episode na bagay na bagay para sa kantang Con My Ass ng Toyo, guest ng late-night show na Jojo A All the Way ang banda kasama si Congressman Ed 'Edza' Zialcita na tatalakayin ang isyu tungkol sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Ang Jojo A All the Way ay napapanood tuwing alas-12 ng madaling-araw sa TV5.

Source: Abante