Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagiging Belo model ni Jinkee, aprubado ni Pacman

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Nag-text si Calvin Neria, director ng birthday concert ni Jennylyn Mercado na I am Woman at ibinalitang nag-text ang singer-actress sa EP ng Paano Ba Ang Mangarap? Sunday afternoon at sinabing darating siya sa taping ng soap kahapon.

Pero, wala pa rin itong ibinigay na rason kung bakit hindi siya pumunta sa Startalk at kung bakit wala siya sa SOP, kung saan, naka-schedule ang big promo ng kanyang concert sa May 14.

Ang manager niyang si Becky Aguila ang siyang nag-sorry sa shows na 'di niya sinipot.

Today ang band at dance rehearsal ni Jennylyn at umaasa si Calvin na sisipot ito, lalo na sa gabi ng kanyang concert.

* * *

Hinihintay namin ang reaction ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa announcement ng GMA-7 na ang actor ang bida sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven at gaganap sa role ni Cholo.

Nagpe-petition ang fans ng dalawa na dahil pinaghiwalay ng network sina Dingdong at Marian, gusto nilang ibigay sa actor ang Captain Barbell at gawing ka-back-to-back ng Darna ni Marian.

Kung 'di raw sila pagbibigyan ng istasyon, ipapuputol nila ang kanilang subscription sa GMA Pinoy TV. Kung gagawin nila ito, paano nila mapapanood ang Darna?

Para sa mga nagtatampong fans nila ni Marian, may message si Dingdong sa inyo. Sabi nito: "Gusto ko lang sabihin sa kanila na hindi nagtapos sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang ang loveteam namin ni Marian and I'm looking forward sa mga susunod naming project. Hindi man sa TV, sa pelikula. Abangan n'yo na lang at magugustuhan ninyo. "

Dagdag pa ni Dingdong, hahataw siya sa paggawa ng pelikula next year at isa sa gagawin niya'y dream role niya.

Wala pa siyang balita kung siya ang makakapareha ni Marian sa Nieves gaya ng nababalita.

Para rin matuwa ang Dingdong-Marian fans, magkasama sila last Saturday na nag-merienda sa Shangri-La Edsa Plaza Hotel.

Pero, kung kailan sila aamin, 'yun ang 'di sinagot ng actor at nakiusap na ibalato na lang sa kanila kung anuman ang meron sila.

Samantala, may director na ang Stairway to Heaven, ayaw pa lang ipaalam at itsinika ni Otep Buncalan, EP ng series, na may location sila sa ibang bansa, hindi pa lang alam kung saan.

Hindi na rin nila idaraan sa search ang paghahanap sa actress na gaganap sa role ni Jodi, makakapareha ni Cholo, dahil naniniwala siyang may mahahanap sila sa Kapuso stars.

* * *

Absent sina John Lapus at Raymond Gutierrez sa Showbiz Central kahapon, kaya no choice sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister na magsama sa frame.

Obvious na imbiyerna pa rin ang una sa huli dahil nag-react ito sa pagngiti ni Mo habang nagsasalita siya.

Mag-react kaya si Jennylyn sa "she's an enigma" description sa kanya ng ina ni Patrick Garcia na si Bing Garcia?

Dagdag pa ni Bing, misteryosa si Jennylyn at 'di alam kung ano ang nasa isip at sasabihin.

Ibinalita rin nitong nasa Europe ang actor para magbakasyon.

Aprubado kay Manny Pacquiao ang pagiging Belo endorser ng asawang si Jinkee Pacquiao, model daw naman ang asawa niya, pero 'wag na raw itong mag-artista.

Parang naglalaro lang si Geneva Cruz nang sumalang sa Digital Don't Lie to Me sa kanyang mga sagot.

Hindi ito napilit mag-explain sa isyung hiwalay na sila ni KC Montero at inaming three times siyang nakunan ng baby sana nila ng asawa.

Pinaiyak ni Francine Prieto ang viewers sa ipinakitang lakas ng loob at pagmamahal sa inang may ovarian cancer.

Gusto niyang makasama nang matagal ang ina, kaya lahat ay gagawin para gumaling ito.

* * *

Sa May 23 na pala ang premiere ng Who Wants to be a Millionaire? na mapapanood sa TV5, Saturday at 6 p. m.

May print ad na rin ito at ipinapakita ang host na si Vic Sotto na naka-coat and tie at pormal na pormal ang hitsura.

May text promo bago ang airing ng game show at kung type n'yong sumali, text Millionaire <space> name and send to 2910.

Makakatanggap ng confirmation message ang mga sasali after sending the text bilang kumpirmasyon na kasali sila sa promo.

* * *

Sayang at hindi kasama si Pops Fernandez sa ipina-presscon ng GMA-7 para sa magsisimulang Are You The Next Big Star? sa May 16.

Maganda sanang pakinggan ang sagot ni Pops sa gustong itanong ng press kung sinusundan ba niya ang ex niyang si Jomari Yllana sa network?

Nakasama kasi sa cast ng Zorro ang actor-turned- concert producer at ngayon, si Pops naman ang balik-Kapuso.

Kabilang si Pops sa judges ng talent search ng GMA-7 na kinabibilangan din nina Randy Santiago, Mon Faustino, Annie Quintos at Danny Tan.

Kaya raw magtaray ni Pops sa contenders, sabi ng mga nakapanood sa taping.

Source: People's Tonight