Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagiging National Artist ni Carlo J. idinepensa ni Manoling Morato

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

MAY umalma sa pagkahi-rang kay Direk Carlo Capa-ras bilang National Artist, kaya 'di nakapagpigil si former MTRCB Chairman Manoling Morato na magpahayag na karapat-dapat naman si Direk Carlo sa naturang karangalan.

Sabi pa ni Morato, wala raw magawa ang mga namimintas sa ipinagkaloob na karangalan kay Direk Carlo.

"Inggit lang ang mga 'yan (mga umalma at na-mimintas). Walang maka-kakuwestiyon sa success ni Carlo as an artist," paha-yag ni Manoling.

"Walang makapapantay sa ginawa ni Carlo sa komiks, pelikula at TV. Hin-di lang nagsusulat ng script sa komiks si Carlo, nagdo-drawing din siya. Nagdidirek din at nagsusulat ng screenplay kaya ang dami niyang alam. Nai-translate pa sa TV ang kanyang mga gawa," dagdag ni Mano-ling.

Reaction naman ni Morato sa tsikang bakit hindi si Mars Ravelo ang nabigyan ng pagkilala samantalang nauna pa ito kaysa kay Carlo sa komiks?

"Hindi lang naman komiks ang pinag-uusapan dito. Ilan lang ba ang nagawa ni Mars Ravelo sa komiks? Baka mga sampu lang. Si Carlo, 800 comics novels, kaya malayung-malayo si Mars Ravelo sa kanya, kaya hindi puwede si Mars.

"Hindi nagsulat ng script for film and telebis-yon si Mars Ravelo. Hanggang komiks lang siya, si Carlo, wide ang range ng kanyang artistry. Wala si Mars sa kanya," esplika pa ni Manoling.

Ano naman ang say niya sa sinasabing palakasan system daw sa pagpili ng magiging National Artist?


"Anong palakasan? Walang ganyan. Carlo deserves his award very fairly," say pa ng Former MTRCB chairman.

Samantalang hindi naman galit ang nadama ni Direk Carlo J sa mga taong namimintas sa pagpili sa kanyang maging National Artist.

Nagpasalamat pa siya sa mga namimintas.

Isang karangalan daw sa isang tulad niya ang mapagkalooban ng isang makabuluhang karangalan na marami ang naghangad, pero iilan lang ang pinalad.

Nagpasalamat din si Di-rek Carlo sa kanyang maybahay na si Donna Villa na laging nakasuporta sa kanya kahit ano ang mangyari.

At higit sa lahat nagpapasalamat si Direk Carlo kay Pangulong Gloria Ma-capagal-Arroyo na nagbi-gay at nagtiwala sa kanya para maging National Artist.

* * *

NAPANGITI lang si Ma-rian Rivera nang may nagparating sa kanya na mismong si Manny Pacquiao ang nag-insist na maging leading lady niya sa Show Me The Money, bagong sitcom ni Pacman sa GMA7.

May kasunod na com-ment siya na baka matulad siya kay Ara Mina na pinagselosan ni Jinkee, misis ni Pacman.

"Hindi naman ako love interest ni Manny sa sitcom. Magkalaban nga kami bilang gym owners. May pag-katomboy ang role ko rito. Walang dahilan para pagselosan ako ni Jinkee dahil mayroon na ngayong may-ari ng aking puso," say ni Marian na bakas ang kasiyahan sa mukha.

Hindi na namin siya ti-nanong kung sino ang may hawak ng puso niya dahil obvious naman na si Dingdong Dantes ang kanyang tinutukoy.

So there, huwag nang lagyan ng malisya ang pagsasama nina Marian at Pacman sa isang sitcom.

Sa Aug. 23 ang pilot episode ng Show Me The Money sa timeslot ng Ful Haus ni Vic Sotto and Pia Guanio every Sunday ng gabi.

Maliban kay Marian, makakasama rin dito ni Manny sina Mommy Dionisia, Paolo Contis, Onyok Velasco, Benjie Paras, Ke-vin Santos, Lovi Poe, atbp. na direksiyon ni Uro dela Cruz.

* * *

SA pag-stay sa Kapamilya ni Cristine Reyes, tila ma-labong magbalik ang sister ni Ara Mina sa Banana Split.

Kapag tinatanong kasi si Cristine kung babalik pa siya sa dating show kung saan naintriga siya sa buong cast, lagi raw isinasagot nitong saka na lang dahil magiging busy siya sa series na gagawin sa Dos.

Magkakaroon pa siya ng project na siya ang lead star.

Tungkol naman sa walang katapusang isyu sa kani-la ni Dennis Trillo na kesyo hanggang ngayon ay in-love na in-love pa rin daw siya sa aktor, aniya: "Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Dennis. Naka-concentrate na ako ngayon sa aking showbiz career. Ngayon ako naniniwala na suwerte talaga kapag loveless. Mas magandang mag-focus ako sa career ko at dedma muna sa lovelife. "

Masaya rin si Ara at ma-agang nagising ang kanyang nakababatang kapatid sa ne-gatibong idinudulot ng "pagpapaalipin" sa pag-ibig.

"Sana, sa susunod, 'wag na siyang magpaalipin sa love-love na 'yan," mariing sabi ni Ara. * * *

BELATED happy birthday kay Ate Ethel Ramos na si-yang nagbigay sa amin ng pagkakataon para makapasok sa showbiz.

Natatandaan ko pa nang unang pagsabak ko sa showbiz bilang photographer ay si Ate Ethel ang unang nagbigay sa akin ng pagkakataon.

Isinasama niya ako sa malalaking happening sa showbiz para makakuha ng mga scoop na photo na ginagamit ko naman sa People's Tonight.

Si Ate Ethel din ang nagbigay sa akin ng project sa ABS-CBN para mag-PR ng show.

Happy birthday po, Ate Ethel!

Source: Taliba