|
|
| Pagiging propesyunal ni Pacman nakakabilibAuthor: Gerry Ocampo PINURI ni Direk Carlo Caparaz ang pagiging professional actor ni Manny Pacman. Wala kasing kaalam-alam ang mega-couple na producer ng Angkan ng Bu-sabos, na pinagbibidahan ng Pambansang Kamao kasama sina Jackie Rice at CJ Caparaz, panganay nina Donna at Carlo, na masama pala ang pakiramdam ni Manny pero tuloy pa rin ito sa pagso-shooting. Napag-alaman na inatake pala ng ulcer si Pacman. At kahit masama ang pakiramdam ay hindi pagpahalata basta matuloy at hindi ma-pack up ang shooting. Bumilib din si Direk Carlo J sa husay ni Pacman sa drama. At nasabi nga ng multi-awarded director na kung unang sumabak sa showbiz ang Pambansang Kamao ay walang panama ang mga dramatic actor sa galing at makatotohanang acting ni Manny. Nakita ni Direk Carlo kay Manny ang pagiging natural na komedyante at dramatic actor. * * * Nagsilbing launching movie na rin ni CJ ang Ang-kan ng Busabos dahil ito ang kauna-unahan niyang appearance sa pelikula. May pinagmanahan ka-ya naman hindi nagpahuli ang panganay ng mega-couple si CJ pagdating sa acting at action. Nang makatsikahan na-min si CJ sa Studio 5 ng GMA-7, hindi pa raw siya desidido kung papasukin na rin ang showbiz dahil naiilang pa raw siya. Pero aminado na naseksihan siya kina Katrina Halili at Jackie Rice nang makita ang dalawa sa GMA-7. * * * Nabigo ang reporter na nag-abang sa pagkikita at paghaharap nina Rufa Mae Quinto at Jessa Zaragosa sa SOP last Sunday. Na-tensiyon ang staff ng Sunday noontime show sa GMA-7 dahil sa pangambang kapag nagkita ang da-lawa ay hindi maiwasang magkasagutan at magtara-yan. Matatandaang nagalit si Jessa kay Rufa Mae dahil sa pinagsasabi ng huli na nai-lathala sa Yes magazine na kaya hindi natuloy ang pagmamahalan nila ni Dingdong Dantes ay dahil sinulot daw ni Jessa ang singer- boyfriend. Nagpa-interview si Jessa kay Joey de Leon sa StarStalk habang nasa Tate na sila ni Dingdong para buweltahan si Ruffa Mae at nagbanta na pagbalik ng 'Pinas ay haharapin niya si Peachy (tawag kay Rufa Mae). Dahil kasama sa cast ng Rosalinda si Jessa at nakatakdang mag-promote sa SOP, kung saan isa mga host ng show si Rufa Mae, ay hindi maiiwasang magkita at magkaharap ang da-lawa. Pero hindi pinahintulu-tan ng staff ng show na magkita ang dalawa para maiwasan ang hindi magandang pangyayari kaya pinaghiwalay ng dressing room nila. Natapos ang show at nakapag-promote ang cast ng Rosalinda, sa pangunguna nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, ay hindi nagkita at nagkaharap sina Rufa Mae at Jessa. Pero sabi nga kahit anong pag-iwas na gawin ay dara-ting ang araw na magkakaharap ang dalawa at sana kapag dumating ang araw na 'yun ay nagkaayos na sila. Hindi ba't nagkabati at nagkaayos na rin sina Jessa at Rachel Alejandro, na na-ging dyowa rin ni Dingdong bago napunta kay Jessa? * * * Tatanda na yatang da-laga si Sunshine Dizon dahil ayaw nang tumanggap ng manliligaw mula nang magkahiwalay sila ni Polo Ravales. Nakatutok ang isip nga-yon ng PMPC Star Award for Movies Best Actress sa showbiz career at wala nang balak pang tumanggap ng manliligaw. Pero kaagad naman itinanggi ni Sunshine na ayaw na niyang tumanggap ng manliligaw. Gusto lang daw niyang mag-concentrate sa showbiz career at paghandaan ang kanyang kinabukasan. Right now ay wala pa raw siyang nakikitang lalaki na dapat mahalin. * * * Hindi naitatwa ni Sam Milby ang paghanga kay Angel Locsin. Ang pagiging generous at down to earth daw ni Angel ang ilan lang sa katangian nakita niya sa actress. "Grabe si Angel, I admire her for being so generous and she`s really down to earth. Lahat ng tao kaya niyang pakisamahan. Everyone in the set, gusto siya," puri ni Sam kay Angel. So, posibleng mahulog ang loob niya kay Angel kahit na may Luis Manzano na ang actress? "Hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Angel (Locsin). Angel and I are close at sapat na 'yun para sa amin. Huwag naman sanang bigyan ng masamang kahulugan ang pagiging close namin. Masaya si Angel and I know she is happy with Luis," say pa ni Sam. Tsika naman na may magandang namamagitan daw sa kanila ngayon ni Bea Alonzo? Well, magkakasama kasi sina Sam at Bea sa pelikulang And I Love You So under Star Cinema at we heard na may maiinit silang eksena dito. * * * MapasaSAbak sina Mark Herras at Iza Calzado sa kakenkoyan ng Bubble Gang barkada ngayon Friday. Kaya kaabang-abang ang BG, nangungunang gag show sa GMA-7, this Friday pagkatapos ng Cruel Love. Source: Taliba |