Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pag-iibigan ng 2 young stars, isinisikreto!

Author: Nel Alejandrino

Hanggang kailan kaya mananatiling sikreto ang pag-iibigang namamagitan between two young stars simply because tahasang sinasabi ng ina ng babae na ayaw niya ang lalaki for her daughter?

Ito raw ang dahilan why even if the two belong to the same network, hindi sila nagkakaroon ng project na magkasama.

Ganunpaman, dahil nga umiibig, kahit alam ng babaing ikawiwindang ng puso ng kanyang ina kapag nalaman ang katotohanan, she is, wika nga, taking a chance.

* * *

SENATOR Bong Revilla's guest appearance in the third episode sa Agimat series ng ABS-CBN is not gratis, according to son Jolo Revilla, who plays the title role.

His dad was paid for his work daw.

How much? Ito ang 'di alam ni Jolo.

But, again, according to him, his dad was supposed to do a one-day taping for the series. Kaso, naging dalawang araw ito.

"He plays my dad," ani Jolo. "Siya ang supposedly ay nagmamay-ari ng agimat. Ipinamana niya ito sa akin. "

Pepeng Agimat will start airing on Saturday. It will come in sa tailend ng Tiagong Akyat, which is topbilled by Gerald Anderson.

Paired with Jolo in Pepeng Agimat is Melissa Ricks na, according to Jolo, ay mabait, bukod pa sa napaka-professional.

May balak ba siyang ligawan si Melissa?

"Naku, pahinga muna ang puso ko sa pag-ibig," sagot ng aktor. "Pero feeling ko, Melissa will make a good girlfriend. "

Ina-admit din ni Jolo na break na sila ni Lovi Poe.

* * *

Jolo revealed he started his showbiz career at age 12.

Guess what? He made his debut sa pelikulang Pepeng Agimat topbilled by Sen. Bong. The movie was inspired by a previous one, which starred his lolo naman, Ramon Revilla Sr. , in the title role.

"Hindi ang daddy ko ang nag-produce ng movie, kundi si Sen. Jinggoy (Estrada). Batang sidekick ni Pepeng Agimat ang role ko roon.

"The late Felix Dalay directed it. "

So, how does he feel now that he is the third in his family na naatasang gumanap sa papel ni Pepeng Agimat?

"I feel challenged," tugon ni Jolo. "Sana hindi ako mapahiya sa dad ko, lalo na sa lolo ko. "

* * *

Ruffa Gutierrez had to wear a harness for some scenes in her new movie, the Ukay-Ukay episode sa Metro Manila filmfest entry, Shake, Rattle & Roll XI, ng Regal Entertainment.

Ruffa plays a woman possessed, kaya in one scene, mapapanood siyang supposedly ay hanging on air na parang isinisi-saw ang katawan.

Ukay-Ukay serves as her reunion movie with former fellow Regal Baby, Zoren Legaspi.

"Medyo marami na rin kasing pelikula kaming pinagtambalan ni Zoren noon sa Regal," pahayag ni Ruffa.

Hindi ipinagkakaila ng aktres, at maging ni Zoren, na minsan ding naging sila. But this was when both of them were younger.

Of course, open book na ang partner ni Zoren sa tunay na buhay at ina ng kanyang twins (sina Casey at Mavey) ay si Carmina Villarroel.

Carmina happens to not just be a good friend of Ruffa but her kumare as well.

Kaya alam daw ng huli na Carmina will not mind magkaroon man sila ng intimate scenes ni Zoren sa Ukay-Ukay.

Source: People's Tonight