|
|
| Pagka-delay ng TV show ni Angel sa Dos may bad effectAuthor: Ed De Leon MUKHANG natatagalan ang paglabas ng panibagong show ni Angel Locsin sa Channel 2. May masamang epekto ito pag nagkataon. Nasanay ang fans na nakikita siya araw-araw sa loob ng nakaraang tatlong taon, at kung magtatagal ngayon bago siya makitang muli, baka makahanap na ng ibang panonoorin ang kanyang mga fans. Isa pa, habang nagtatatagal iyan ay tumataas ang expectations ng mga tao sa kanya. Papaano kung pagbabalik ni Angel Locsin ay ganoon pa rin ang acting niya? Papaano kung hindi siya naging magaling doon sa mga workshops na sinasabing ibinigay sa kanya? Papaano rin kung lalabas na ang gagawin niyang serye ay pangkaraniwan lamang at hindi makasindak sa mga manonood? Delikado ito para kay Angel at oras namang sa simula pa lamang ay bumaba ang ratings ni Angel, aba, eh, baka makasama rin siya sa mga frozen delights diyan sa Channel 2. Tingnan ninyo si Angelica dela Cruz, dating bida sa prime time ngayon nasa afternoon programming na lang. Ano ang nangyari kina Long at Dagul? Si Vina Morales dating star ng SOP ngayon ano na lang ang ginagawa? Oras na hindi maagaw ng Channel 2 ang number one position sa ratings ng Channel 7 paglabas ng serye ni Angel Locsin, aba, eh bilang na ang araw niya. Lalabas na ang Channel 7 pala ang nagpapa-rate ng show at hindi si Angel. Kung ganoon lalabas na mali pala sila ng kanilang na-pirate. Iyon na nga ang usapan ngayon, eh, mukhang mali raw sila nang na-pirate nila si Valerie Concepcion. Isipin mo kung kailan siya napasama sa Wowowee, eh, saka naman bumagsak nang bumagsak ang ratings ng show. * * * MAY natanggap kaming feedback mula sa fans. Nakita na raw nila ang sinasabing mga sexy pictures ni Mike Tan sa isang kalendaryo. Okey lang daw dahil hindi naman pala naghubad nang todo si Mike. Pero sinasabi nila, okey lang na magpa-sexy ang kanilang idol, pero sana naman hanggang doon na lang daw 'yon. Hindi na siya dapat pang sumobra doon. Hindi siya dapat na mag-bold. Naniniwala sila na maraming fans ni Mike ang mawawala basta nag-bold siya. Karamihan daw kasi ng mga fans ni Mike Tan ay mga babae, na baka hindi na magawang aminin na siya ang idol nila kung bold star na siya. Sana kung ang fans niya ay mga bakla, aba, mas matutuwa ang mga ito kung maghuhubad siya nang tuluyan. * * * MASYADONG obvious ang paghahanap ng isang male star ng isang gay benefactor, kasi nga hindi naman ganoon kaganda ang takbo ng kanyang career dahil wala namang magawa sa kanya ang manager niya ngayon. Hindi kagaya ng dating gay manager niya na wala man siyang trabaho, sinusustentuhan naman siya. Eh, yung gay manager niya ngayon ay mukhang wala rin daw datung. Kaya pala ang male star, panay ang night out at ang pinupuntahan niya ay yung mga istambayan ng mga mayayamang ba-ding, baka nga naman sakaling may magkagusto sa kanya roon. Source: Taliba |