Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagka-'jologs' ni Marian exciting kay Dingdong

Pagka-'jologs' ni Marian exciting kay Dingdong

Author: Nitz Miralles

Ilo-launch sa S. O. P. mamaya ang TVC ng Goldilocks, ang bagong endorsement ni Dingdong Dantes. Maganda ang concept ng TVC na may tagline na "You're the One. " Perfect choice endorser ang aktor dahil bata pa'y favorite na ang Goldilocks products lalo na ang chocolate mousse at chocolate polvoron.

Ang pagiging taint free, credible endorser at appeal sa lahat ng market crowd ang mga binanggit na rason ni Pinky Yee, marketing director ng Goldilocks, sa pagkakapili kay Dingdong na dagdag na endorser ng Goldilocks.

Very excited si Dingdong sa nangyayari sa kanyang career at sipag at good work ang gagawin niyang pangontra sa mga humulang lalamlam ang career niya this 2009.

Nagsimula na silang mag-taping ni Marian Rivera ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at may gagawin siyang indie film to be directed by Joyce Bernal pa rin.

Inalam namin ang status ni Dindong, committed ba siya o single? "Single and still myself" ang sagot nito. Pero nahanap na raw niya ang taong mamahalin at panahon na lang ang wala.

Kung si Marian ang kanyang tinutukoy, hindi siya nag-elaborate, basta maganda ang rason niya kung bakit kasama sa listahan niya ng Five Sexiest Women ang aktres.

"Number one sa list ko si Gretchen Barretto, she's my all-time crush. Crush ko rin si Eula Valdez and I remember her FHM cover. For me, it was one of the best covers.

"Third and fourth sexiest for me are Kate Beckinsale and Kate Hudson. Panghuli si Marian. Why Marian? Lahat sa kanya ay gusto ko, pati kajologans niya. "Kasama 'yun sa personality niya, exciting. Walang dapat i-correct sa kanya, nakilala ko siya nang ganu'n at nirerespeto ko siya," sabi ni Dingdong.

Samantala, nakita ng press si Karylle sa coffee shop ng Shangri-La Hotel na venue rin ng presscon ni Dingdong, pero sabi ng actor, hindi sila nagkita ng ex-GF.

Maaga siyang dumating sa hotel at nag-gym muna bago ang presscon habang nagkakape si Karylle.

* * *

May repeat sa March 6, sa PICC pa rin, ang Legends of OPM In Concert nina Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Joey Albert, Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Rico Puno dahil sa maraming request na muli silang mapanood.

Successful at puno ang venue sa first concert nila last December 30, 2008, kahit mahal ang tiket, at binigyan sila ng standing ovation.

Walang aalisin sa production numbers at magda-dagdag pa ng numbers ang grupo nina Claire para mas sumaya at masulit ang mahal na tiket.

Isa sa kanilang ipinagmamalaki'y, walang foreign song sa kanilang repertoire, lahat ay gawang Pinoy na obviously, marami pa rin ang may gusto at may nag-iyakan sa audience.

Si Joey ang kinausap namin dahil wala siya sa first presscon. Nenerbiyos siya nang unang offeran na isama sa concert.

Icon ang tingin niya sa mga kasama, tinitingala sa music industry, kumpara sa kanya na kahit maraming hit songs, kulang pa rin ang credentials.

"Wala pala akong dapat ikatakot dahil ina-lagaan nila ako. First rehearsal pa lang, very warm na sila at na-feel kong I'm gonna be okay. Hindi ko makakalimutang in the middle of the show, nilingon ako ni Rey para tanungin if I was okay, ang sarap," wika ni Joey.

Babalik sa Canada this Sunday si Joey, kung saan full-time pre-school teacher siya at babalik ng bansa 'pag malapit na ang concert. Balak ng Viva Records na igawa siya ng album.

Produced ng Viva Concerts and Events ang concert sa direksyon ni Roxanne Lapus at si Gerry Matias ang musical director.

Nalaman namin kay Rey na "boylet" daw ni Claire ang Fil-Am voice-over announcer na si Alain Peñaflor, bagay na itinanggi ng singer.

* * *

Muling mapapanood ang Eric and Jeremy episode ng Dear Friend na tungkol sa sexuality. Sa istorya, bading si Eric (Mark Herras), pero lihim ito sa lahat pati sa girlfriend niyang si Valerie (LJ Reyes). Nang dumating ang pinsan ni Valerie na si Jeremy (Paolo Contis), isang straight-acting gayman, nagkagusto sa kanya si Eric.

Magkakaroon ng lihim na relasyon sina Eric at Jeremy, pero nang bumalik sa Amerika ang huli, madidiskubre ni Valerie ang ugnayan ng dalawa.

Halos gumuho ang mundo ng bading at sa ending, mas pinili niyang maging totoo sa sarili at mas lumigaya siya.

Mula sa direksyon ni Mac Alejandre ang episode na marami ang makaka-relate. Kasama sa cast sina Daniel Fernando, Mike Tan, Tyron Perez at Laurence Gutierrez. Featured artist si Kyla at hosts sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Mapapanood ito sa GMA-7.

* * *

This Sunday na mapapanood sa Sharon ang Songs of My Heart birthday concert ni Sharon Cuneta who turned 43 last January 6.

Sa Araneta Coliseum last Friday ginawa ang star-studded show at co-hosts ni Sharon sina Bayani Agbayani at Edu Manzano.

Maganda lahat ang numbers lalo na ang duet nina Sharon at Ai-Ai delas Alas, ang comedy skit nina Candy Pangilinan, Pooh at Chokoleit, dance number ng Star Magic talents lead by Shaina Magdayao, Maja Salvador at Rayver Cruz, duet nina Sharon at Ely Buendia.

May surprise guesting sina Roderick Paulate, Ciara Sotto, Sam Milby, Joem Bascon, Kim Chiu, Jake Cuenca, Jason Gainza at Nova Villa.

Hindi na namin nahintay ang ibang numbers sa rami pati ang special dance number ni KC. Nanood si Mrs. Elaine Cuneta at German Moreno at buong Pangilinan family yata. Present siyempre si Sen. Kiko Pangilinan at mga anak na sina Francis at Miel.

Source: People's Tonight