|
|
| Pagka-link kay Rowell Santiago ikinaimbiyerna ni Mark BautistaAuthor: Chan-Chan Torres Mariing itinanggi ni Mark Bautista ang malis-yosong balita na inili-link siya kay Direk Rowell Santiago. Nakausap namin si Mark sa bagong bukas na Mang Inasal restaurant sa Tomas Morato, QC, dahil siya ang kinuhang endorser. Ayon pa sa singer, nahihiya siya kay direk Rowell dahil sa mga isyung lumalabas na nadadawit ang pa-ngalan ng magaling direktor. Wala umano itong katotohanan, giit ni Mark, at nagkatrabaho lang daw sila ni Direk Rowell sa Pop Icons concert nila some months back at hanggang doon na lang daw 'yun. Hindi alam ni Mark kung saan nanggaling ang mapa-nirang isyung ito at ti-nanong din ng press kung ano ang balak niya sa mga naninira sa kanya? Aniya, wala siyang ba-lak patulan ang mga ito dahil alam niyang hindi naman daw totoo ang kumakalat na tsika at wala siyang alam na taong may galit sa kanya para siraan siya ng ganito. Isa sa nakikita naming dahilan kung bakit may mga ganitong intriga kay Mark ay dahil wala siyang lovelife o girlfriend. Matapos si-yang ma-link kay Sarah Geronimo, mukhang nagpahinga muna ang puso ni Mark. Nang tanungin kung pihikan ba siya sa mga babae kaya wala siyang girlfriend hanggang ngayon, sinabi niyang hindi naman daw siya ang tipong pihikan. Simple at mabait na babae ang kanyang gusto at ayaw niya ng maarte. Teka, parang si Sarah ang inilalarawan ni Mark, huh. Speaking of Sarah, kinuha namin ang reaksyon ni Mark sa sinabi ng Pop Princess na sa mga na-link sa kanya, si Mark ang pinaka-matiyaga at hanga raw ang dalaga sa pagiging magalang ni Mark sa mga magulang niya and after after five years na handa na raw siyang makipagrelasyon at nari-yan pa rin si Mark, malamang si Mark na ang maging first boyfriend niya. "Alam mo, hindi naman na niya kailangan sabihin pa 'yun bilang Sarah Geronimo, sobrang ina-appreciate ko naman siya roon at talagang nai-share pa niya ang iniisip niya that time sa inyo sa presscon niya. Wala na akong ibang sasabihin pa," matipid na sagot ni Mark na tila na-overwhelm sa mga ipinatungkol sa kanya ni Sarah. * * * Iba ang kasiyahan ni Mariel Rodriguez sa muling pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee. Very jolly at hindi na ngarag ang dalaga nu'ng makapanayam namin sa studio ng Wowowee. Ayon sa co-host ni Wil-lie, masaya siya sa muling pagbabalik ng kumbaga ay padre de pamilya nila sa show. Dagdag pa ni Mariel, hindi na sila nina Valerie at Pokwang masyadong mabababad on air at tataba na naman daw sila dahil may time na naman silang kumain ng marami. Napatunayan din ni Mariel na solid ang sama-han nilang lahat sa show kaya she's happier these days. Siyempre, proud din si Mariel sa career ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Isa kasi si Zanjoe sa iilang artista sa Dos na may pinakamaraming pro-yekto. Kasama si Zanjoe sa Lovers in Paris nina KC Concepcion at Piolo Pascual na mapapanood na sa Sept. 28 at sa kapapalabas na blockbuster movie na Kimmy Dora. "Of course, I'm proud of him. I watched Kimmy Dora sa Rockwell at talagang tawa ako nang tawa. Hindi ko mapigilan," say niya. Aware rin si Mariel na marami ang nagnanasa kay Zanjoe kahit alam ng lahat na taken na ito. Ang maganda kay Mariel, hindi raw siya selosa at flattered na maraming may type kay Zanjoe. "I'm aware na marami ang nagkakagusto sa kanya, pero ako naman, I'm not the type na selosa. Flattered pa nga ako na marami ang nagkakagusto sa boyfriend ko, pero hanggang doon lang 'yun ha? Hindi rin kasi gusto ng guys 'yung sobrang selosa. Gusto nila 'yung may confidence ka sa sarili mo," dagdag pa ni Mariel. Eh, sino naman ang babaing pinagselosan niya kay Zanjoe? "Ayyy, si . . naku, huwag na!" tili ni Mariel. Source: Taliba |