|
|
| Pagkatsugi ng 'MKM,' tanggap ni Mel![]() Author: Gerry Ocampo NASAKSIHAN namin ang pagkakagulo sa loob at labas ng Harrison Plaza nu'ng Martes ng umaga dahil sa taping ng Magpakailanman. Sa naturang lugar kinunan sina Ara Mina, Mark Anthony Fernandez, Sunshine Dizon at Yul Servo para sa Glorietta Tragedy episode na mapapanood sa MKM mamayang gabi. Sabi ni Jojo Aleta, associate producer ng Magpakailanman, October pa lang, nakarating na sa kanila ang tsikang matsutsugi na ang programa. Pero November na, nasa ere pa rin sila. May mga naka-line-up pa rin silang istorya para sa December. Ngayon, if ever totoong mawawala na drama anthology ni Mel Tiangco, masaya na rin daw sila dahil naabot ang gustong maabot. "Five years na ang MKM sa Dec. 2 at naging consistent sa pagiging mataas ang rating. Higit sa lahat, ito lang ang nakatalo sa katapat na programa, Maalaala Mo Kaya, ni Charo Santos," kuwento ni Jojo. "Sabi nga ni Mel, okey lang kung matsugi ang show. Masaya niyang lilisanin ang ere. 'Di ba, dati kahit anong itapat ng Siyete sa programa ni Charo, laging talo? Nu'ng itapat ang MKM, nagbago lahat. "Inilipat ng araw at time slot ang MMK at lahat ng itapat ng Dos sa MKM, talo sa rating. Kaya, if ever na tanggalin ito sa ere, maluwag naming tatanggapin. May napatunayan na kami ni Tita Mel," dagdag pa ng associate producer. * * * NAPAKAGANDANG babaing pusa ang nakausap namin sa press launch ng Kamandag nu'ng Lunes. Kung hindi pa isa-isang ipinakilala ang cast ng bagong action-adventure telefantasya na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, hindi namin malalamang si Francine Prieto pala ang babaing pusa na magiging mortal na kaaway ni Richard. Inamin ni Francine na nakatanggap siya ng alok mula sa ABS-CBN, pero tinanggihan niya dahil 'di maiwan-iwan ang Bubble Gang ng GMA-7. Malaki rin ang respeto niya sa kanyang home studio at manager na si Ces Evangelista, na gumawa ng paraan para siya'y maging Kapuso. * * * BALIK-PAGPAPATAWA si Francine sa Bubble Gang bukas ng gabi sa portion na Paningit, kung saan may isusulat at babasahin siyang word na mali kung bigkasin. 'Kaaliw din ang portion ni Wendell Ramos na Ayaw Mamatay, kung saan isa siyang actor na ayaw tapusin ang kanyang role. Sa galit ng director, binaril siya. Ang iba pang portions ng BG ay ang Transporma, Tita, Sad Memories, Oh, My Inday!, Amo, Mahirap Magtapat at Galit sa Christmas Song. Source: People's Tonight |