|
|
| Paglalambing ni Marian kay Dingdong lantaran naAuthor: Joferd Nievera BULGARAN na umano ang ipinapakitang paglalandi ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes ngayong wala na ang dating nobya ng aktor na si Karylle sa Kapuso network. Talagang hindi raw maitago ng mestisang aktres ang ginagawang paglalambing kay Fredo na animo'y talagang mag-dyowa na sila. Kung noon daw ay parang asiwa sa paglalandi si Marian kay Dingdong dahil kay Karylle. Ngayon ay todo-todo na kahit marami pang taong kaharap, na gustung-gusto naman daw ng aktor. Kaya sa bago nilang teleseryeng Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tad-yang ay aasahang bulgaran na kung ipakita nila ang kanilang hindi maitagong pagmamahalan sa isa't isa. Sorry na lang daw kay Karylle dahil tuluyan nang naagaw sa kanya si Dingdong. * * * HALATANG nanamlay ang pangalan ni Katrina Halili mula nang lumabas ang isyung may sex video sila ni Dr. Hayden Kho. Hindi na matunog ang pa-ngalan ng seksi aktres hindi gaya noon na talagang mainit na pinag-uusapan. Nag-umpisa ito matapos niyang aminin sa tele-bisyon ang kamunduhang ginawa nila ni Hayden at aminin din ng aktor/doktor na nagkaroon nga sila ng 'one night only' ni Katrina sa kama. Na dahilan kaya hayun, naging matabang ang pagtanggap sa kanya ng mga tao lalo na ang mga kababaihang televiewer. Naging tsipipay kasi ang da-ting niya sa mata ng publiko na hindi dapat gawain ng matinong babae. Pero hindi natin masisisi dahil tao lang siya na nagkakamali kung minsan. Ang sisihin natin ay itong si Hayden na binaboy ang aktres at hindi isinaalang-alang ang kapakanan nito bilang artista dahil sa pagkuha ng video sa kanilang da-lawa Nanghihinayang kami kay Katrina dahil sa pinasok niya kaya naapektuhan nang todo ang showbiz career. Balitang hindi na rin siya gaanong love ng GMA7 kaya itsapuwera na raw ito sa mga show na dapat ay nakalaan para sa kanya. SA ipinakitang pagmamalasakit ni QC Councilor Ariel Enrile Inton sa local showbiz kung saan tinulungan nitong makalikom ng pondo ang Mowelfund at sa nakaraang batas na naglalayong gawing GMA Drive ang kalye sa pagitan ng mga gusali ng GMA Network, kaya nagka-ideya si German Moreno na lapitan at hingan ng tulong ang majority floorleader para gawin nang batas ang matagal ni-yang pangarap na maging City of Stars ang Lungsod Quezon. Unang nilapitan noon ni Kuya Germs si Vice Mayor Herbert Bautista para isulong na maging batas ang resolusyon noon ni dating Councilor Dingdong Avanzado lalo't isa naman itong artista. Pero matatapos na ang termino ni Bistek ay tila malabo pa ring mangyari ito kaya nagdesisyon na ang Mastershowman na kay Atty. Inton na lang magpa-tulong. Hindi naman binigo ni Atty. Inton ang kahilingan ni Kuya Germs kaya sa nga-yon ay todong tinatrabaho na niya sa konseho para maisabatas ang pagiging City of Stars ng Q. C. Sa maikling panahon ay nagkaroon ng pag-asa ang Walang Tulugan host kaya galit na galit kay Bistek na sa haba nang panunungkulan bilang bise alkalde ng lungsod ay tila natulog siya sa pansitan at hindi man lang gumawa ng hakbang para tuparin ang kahilingan ng isa sa itinuturing na ama ng local showbiz. Kaya ngayon ay imbyernang-imbyerna na si Kuya Germs kay Bistek na parang hindi raw nagagampanan ang papel bilang Ikalawang Ama ng Quezon City. Source: Taliba |