Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paglipad ni DARNA pinabongga nang husto

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Lilipad na si Marian Rivera bilang bagong Darna sa Lunes.

At lahat ay ginawa talaga ng GMA para mas lalo itong mapaganda at kaaya-aya sa manonood.

Kahit hindi sabihin, talagang "binago"nila ang packaging at istorya ng Darna ni Marian para maungusan ang Darna noon ni Angel Locsin.

Sa costumes na lang ng bagong villains ni Darna ay mamamangha na ang manonood.

Palakpakan ang lahat habang isa-isa nang ipinakilala ang mga makakalaban ni Marian bilang Darna.

Nangunguna na si Iwa Moto bilang "Valentina" at ang ama nitong si Kobra (Paolo Contis) na sadyang nakakatakot ang itsura sa make-up palang sa mukha at ahas na katawan.

Nandiyan din ang "Babaeng Linta" na si Maggie Wilson, "Babaeng Impakta" na si Nadine Samonte na may kakambal na halimaw na nakasakay sa likod niya, "Babaeng Tuod" na si Francine Prieto na nagmukha talagang taong-puno sa kanyang bonggang costume at ang "Babaeng Lawin" na si Ehra Madrigal, na imbes feathers ang pakpak ay metallic tantanium na ito.

Patok din sa manonood ang ginamit na theme song ng bagong Darna, ang Narda ng Kamikazee.

Naging luma bigla ang da-ting theme song ng Darna ni Angel Locsin na kinanta noon ni Regine Velasquez .

* * *

Nagbigay ng thanksgiving mass ang May Bukas Pa dahil sa patuloy na pamamayagpag nito sa ratings.

Originally ay for two months lang ang balak nilang i-ere ang show in time para sa Semana Santa.

Pero sa sobrang tagum-pay ng show ay na-extend na ito nang na-extend.

Aba, hanggang January of next year pa pala ito ipapalabas kaya napaka-suwerte ng buong cast nito.

Isa na rito si Precious Lara Quigaman na naging very wholesome ang image dahil sa show.

Inamin ni Lara na totoong nakikipag-date siya ngayon kay Marco Alcaraz pero there's nothing serious pa naman daw sa kanilang relasyon.

Tinukso namin siya na baka 'yun ang dahilan kung bakit nawala na naman siya sa Wowowee pagkatapos niyang nakabalik na dito ng ilang linggo.

May sitsit kasing kumalat na ayaw ni Willie Revillame na may boyfriend siya.

Pero nag-swear sa amin si Lara na hindi naman daw siya niligawan ni Papa Wil.

Kung sakali namang ligawan siya ni Willie ay hindi niya alam kung paano siya magre-react.

* * *

Nananawagan si MMDA Chairman Bayani Fernando na maglagay ng kaukulang security sa parking lots ng malls para maiwasan ang carnapping na uso na naman ngayon.

Binigyang-pansin ni Sec. Fernando ang paniningil ng parking tickets sa malls kaya dapat lang na bigyan ng kaukulang proteksyon ang mga sasakyan na naka-park sa loob ng parking lot.

Nagpanukala pa siya na dapat maghain ng batas ang Kongreso para dito upang maiwasan ang nakawan at pag-vandalized ng mga sasakyan sa parking lots ng malls.

Masaya namang ibinalita ni Tourism Sec. Joseph "Ace" Durano na aabot sa $5B revenues para sa kaban ng bayan kapag natuloy ang forecast nila na dadayuhin ang bansa.

Primary tourist destinations sa bansa ang Cebu, Boracay, Davao, Bohol, Camarines Sur at Zambales. Para sa local tourists naman, mabili ang Puerto Prin-cesa at Coron sa Palawan.

Source: Taliba