|
|
| Pagmamahal ng ABS-CBN / Star Cinema kay Claudine Barretto, abot-langit at sagad sa buto!![]() Column: Star Nga Ba? ANG tama sigurong phrase ay "abot-langit" kundi man sagad sa buto ang sobrang pagmamahal ng ABS-CBN at Star Cinema sa pinakapaborito nilang flag bearer ng Talent Center a.k.a. Star Magic, dahil hagok yata si Malou Santos sa katarantahan niya kung papaanong maigagawa ng teleserye at mga pelikula ang paborito nilang moneymaker. Nakakainggit ha, Jun Nardo. Para sa year na ito ay nagawan ng paraan ni Malou Santos na magkaroon ng TATLONG malalaking pelikula ang paborito nilang superstar. Kapapalabas pa lang ng lukewarm naman sa takilya na Claudine Barretto-Jericho Rosales-Diether Ocampo starrer, heto at bongga na naman ang ipapalabas na DUBAI na magpi-premiere sa buong mundo, huh! Sana sa gagawin nilang yan, eh mabawi ang malaking lugi ng ABS-CBN at Star Cinema, huh! At naghahanda pa lang sa premiere night ng DUBAI ay aligaga na ang Star Cinema sa shooting ng isa pang Claudine starrer na SUKOB with Kris Aquino. Na ang target playdate raw nito ay itong Nobyembre! Anoh bah! Last year kasi ay isa lang ang movie na ginawa ni Claudine, yung MILAN lang na kinunan sa abroad, pina-premiere night pa sa buong mundo! At nangarap pang isinali pa sa Cannes Film Festival, huh! Si Judy Ann Santos ay nakagawa naman ng TATLONG pelikula in SABEL, AISHITE IMASU and I WILL SURVIVE of which she was nominated in all three films for BEST ACTRESS. Dalawang BEST ACTRESS AWARDS ang natamo ni Juday for SABEL mula sa pinaka-prestigious award-giving bodies na URIAN at ENPRESS. Euphoria year maybe itong year na ito for Juday kaya nagpahinga muna siya sa maraming film offers sa kanya at inilaan na lang niya ang oras niya for proper concentration sa movie ng Star Cinema with Piolo Pascual, na aapurahin din daw para makaabot sa balak na playdate na Nobyembre rin. Ibig bang sabihin nito, eh makaka-ISANG pelikula si Juday for this year? Naman! Kaya nga yung unang balak na sa Barcelona, SPAIN mag-shooting ay sa Baguio na lang daw kukunan! Well, at least letter "B" rin ang start ng shooting location debah naman! Yung buong KABAITANG pagbibigay namin sa Star Cinema ng buong schedules ni Juday (pati na sa teleserye nilang tineteyping, noh!) ay huwag naman sanang gantihan ng pamumulitika na kulang na lang ay pagtatraydor. Whatever we do, we offer it to The LORD at ang DIYOS na ang bahalang magsukli sa anumang kabutihan o kawalanghiyaan na gagawin. Bahala na ang DIYOS, wika nga kung kanino at saan mapupunta ang bad KARMA! Ngayon pa lang ay nag-iisip na nga kami sa November playdate na yan. Mauulit kaya ang ginawa ng Star Cinema sa showing ng TILL THERE WAS YOU na biglang pinutol ang showing para bigyan-daan ang showing ng TANGING INA na ginawang BLOCKBUSTER OF THE YEAR at si Ai-Ai delas Alas ay ginawang BOX-OFFICE QUEEN? Parehong movies ng Star Cinema yan, huh, pero sinakripisyo nila ang isa. Na siyang naging malaking dahilan kung bakit matagal hindi nag-partner sina Juday at Piolo, dahil mas malakas pa yata sa takilya ang mga ginawa ni Piolo with Joyce Jimenez, Donita Rose and Bea Alonzo kesa ginawa nina Juday at Piolo na KAHIT ISANG SAGLIT, BAKIT DI TOTOHANIN at TILL THERE WAS YOU, eh! So, okay lang. Pagbigyan na lang ang mga Juday-Piolo fans kahit na mas mataas pa ang ratings ng MANGARAP KA kesa teleserye nina Juday at Piolo na SA PUSO KO IINGATAN KA, noh! Sige, salamat naman at naawa na sila kay Juday at sa Juday-Piolo fans! Muli kayang maulit ang sagupaang TILL THERE WAS YOU at TANGING INA this November, if ever na matatapos nga ang Juday-Piolo movie? Kung November din ang showing ng SUKOB, at November din daw ang showing ng Juday-Piolo movie, ang mangyayari kaya ay puputulin kaagad ang showing ng Juday-Piolo movie on its second week to give way to the Claudine-Kris movie na ipagpipilitan nilang i-showing ng FOUR WEEKS or a total of ONE MONTH? Ah, eh hindi na bago yang style na yan kung ganoon! Basang-basa na noh, (meaning: read na read na noh!) kaya ibahin naman ang mga strokes para naman kumita na ang korporasyon ng Papa Gabby Lopez ko, noh! Last week ay nag-meeting kami ng mag-inang Roselle at Lily Monteverde para sa isang horror movie na gagawin ng Regal Films na siyang directorial debut ng magaling na scriptwriter (pati ng GMA-7) na si JUN LANA. They could start any minute na puwede si Juday, pero buong Linggo niya ay SAKAL-SAKAL ng ABS-CBN teleserye at kukunin ng Star Cinema ang buong September ni Juday, kahit na ang kapareha niya ay may taping pa rin ng BURA-BURA, ASAP (O Sepsep?) at mga shows pa sa Amerika. Maiiwan na naman si Juday na kunwari ay kukunan ng mga shots na HINDI naman isasama sa pelikula, just to keep her on the set habang WALA si Piolo. Naku, eh ginawa na yan noon sa TILL THERE WAS YOU na habang hindi pa available si Piolo, kunwari eh si Juday muna ang kukunan ng mga eksenang hindi raw kasama si Piolo. Kinunan si Juday ng mga eksena sa Kaffe Carabana, pero HINDI naman isinali sa movie yung "kinunang" mga "eksena" na yun, noh! Ang direktor na kumuha niyon ay si JOYCE BERNAL na siya ring direktor nina Juday at Piolo sa gagawin nilang movie sa Baguio. Hindi kaya dalawin din sila ng bagyo doon? Ito ay paglalahad lang ng katotohanan na NANGYARI NA at MANGYAYARI pa lang. Hindi ito reklamo o inggit kaninuman. Kaya hindi ko pinangarap na makatanggap na naman ng kaletsehang mga text messages na gustong baluktutin ang matuwid! Dapat doon lang tayo sa TAMA. Ginawan na kasi namin ng mas magandang iskedyul sina Juday at Piolo para hindi na makaistorbo sa iba pa nilang paborito na gusto nilang igawa rin ng teleserye at mga pelikula. Pero HINDI nila sinunod ang INAYOS naming iskedyuls kaya heto sila ngayon at nagkakandaletse na! Papaano, HINDI sila marunong mag-isip ng FORWARD at panay BACKWARD ang ginagawa nila kaya ano naman ang nangyayari? Hayan, BAWASAN ng mga taong nagpapasarap lang sa mga upuan nila, kundi man nagpapalaki lang ng BAYAG, eh nagkakamot naman ng mga BAYAG! Pati bayag ng may bayag? Naman! Source: Abante |