Dec 02
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Pagmumura ni Hayden, inihingi ng tawad ni Pia

Postponed ang naka-schedule ngayong araw na contract signing nina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa gagawing pelikula sa GMA Films. Marami pang aayusing detalye sa kontrata na dapat plantsadung-plantsado bago magkapirmahan para walang reklamo...

 

Pagmumura ni Hayden, inihingi ng tawad ni Pia

Author: Nitz Miralles

Postponed ang naka-schedule ngayong araw na contract signing nina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa gagawing pelikula sa GMA Films.

Marami pang aayusing detalye sa kontrata na dapat plantsadung-plantsado bago magkapirmahan para walang reklamo.

Valentine movie ng dalawa sa GMA Films na ididirehe ni Joey Reyes sana ang pipirmahan nilang kontrata today na kailangang i-schedule sa ibang araw, dahil nga sa ilang bagay na dapat ayusin.

Hindi rin daw tuloy ang first shooting day ng Richard-KC movie sa Star Cinema, na naka-schedule rin this Tuesday, dahil sa mga lumabas na konting problema.

Actually, ilang eksena lang ang dapat kukunan ni Direk Joyce Bernal at hahabulin lang ang petsa ngayon na ayon sa feng shui ay magandang date para mag-shooting.

Sabagay, pabor sa lahat ang pagkaka-postpone ng contract signing at 'di tuloy na first shooting day. Manggagaling si KC sa Marawi City para sa kanyang advocacy sa United Nations, si Richard nama'y kararating lang kahapon mula Dubai sa taping ng Codename: Asero at si GMA Films producer Annette Gozon-Abrogar ay bagong dating din from Europe.

* * *

"Taken na ako," sagot ni LJ Reyes sa tanong kung posible siyang ligawan ni Hero Angeles na nagpahayag na crush siya.

Sa ganu'ng sagot ng young actress, inamin na rin finally ang relasyon niya sa scion ng Sy family ng SM chain of malls na bawal pangalanan.

Sabi ni LJ, bago pa lang ang kanilang relasyon ng boyfriend na schoolmate niya sa La Salle, naging kaibigan, na nauwi nga sa ligawan.

Ingat na ingat ang young actress sa pagkukuwento sa BF at ayaw sagutin 'pag expensive gifts ang tinatanong ng press.

Ang last big gift ng BF sa kanya'y last December 25 na birthday din niya. Isang balikbayan box na puno ng Hello Kitty stuff, gaya ng unan, blanket, stuffed toy at kung anu-ano pa ang regalo nito.

Nasa New York pa si LJ, binisita ang ina at kapatid. Two weeks siya roon, hindi kaya sumunod sa kanya ang BF?

* * *

Controversial ang guesting ni Dr. Hayden Kho Jr. sa Showbiz Central last Sunday, dahil sa reaction nang mabasa ang killer question sa Central Jury portion ng show.

Kahit walang sound, na-lip-read ng viewers ang pagsi-s—t nito, pero dahil wala ng chance mag-sorry, si Pia Guanio na lang ang humingi ng dispensa sa manonood sa naging reaction.

May report si John Lapus sa taping ng Codename: Asero sa Dubai at binuking ni Janno Gibbs ang malalagkit na tingin ni Richard Gutierrez kay Heart Evangelista.

Proud ang actor sa bago niyang show, GMA-7's first movie-made-for-TV na gagastusan ng malaki.

May follow-up report sa isyung pera kina Alyssa Alano, Sunshine Garcia ng Sex Bomb at Joy Cancio, na sana'y matapos na. Hindi maganda ang nag-aaway dahil sa pera!

Ipinakilala rin ang Top 24 Pinoy Idol bets na sana, pinakanta kahit one line lang.

Ang main feature ng SC ay ang kaso ni Katherine Luna na pinalayas daw ng Fil-Am live-in partner, dahil may ibang lalaki.

Umiiyak na itinanggi ng actress ang akusasyon ng lalaki and in fact, sinasaktan siya nito at pinagbantaang papatayin.

* * *

Sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, dahil sa pagdating ng ama ng ginahasa ni Alfred (Marvin Agustin), no choice ito kundi umalis sa presscon.

Natuwa sina Salve (Yasmien Kurdi) at Evita (Dina Bonnevie) sa karmang nangyayari kay Alfred.

Samantala, aaminin na nina Salve at Derek (JC de Vera) na gusto nila ang isa't isa at mauuwi 'yon sa kanilang paghahalikan.

Tutulungan ni Derek si Salve na makaganti kay Alfred at gagawa ito ng paraan na patunayang rapist si Alfred at hihingin niya ang tulong ni Chief Pisicho para makakuha ng DNA sample ni Alfred.

* * *

MAMAYANG gabi sa Dyesebel, nakilala ni Dyesebel si Gildo (Luis Alandy) nang mabundol siya ng sasakyan nito.

Ang lalaki na rin ang magpapasok sa dalaga na janitress sa kumpanya nina Fredo (Dingdong Dantes).

Sa sobrang saya ni Dyesebel nang malamang office ni Fredo ang kanyang nililinis at sa sobrang tuwa, mahuhulog siya at may sasalo sa kanya.

Ipasusunog ni Betty (Bianca King) kay Fredo ang sketches nitong babae dahil nagseselos.

Sa Sirenea, magagalit si Dyangga (Mylene Dizon) sa mga tanong ni Berbola (Michelle Madrigal) tungkol kay Reyna Lucia.

Source: People's Tonight