Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagpanaw ni Atty. Laxa malaking kawalan sa pelikulang Pilipino

Author: Ed De Leon
Column: Dream

PALAGAY namin, para sa kanyang pamilya, tanggap na nila ang pagyao ni Atty. Espiridion Laxa. Kasi nga, naging maayos naman ang kanyang buhay sa loob ng 79 years at alam naman nila from the start na may cancer si Atty. Laxa.

Kahit na maraming kuwento ng mga nag-survive sa cancer at marami kaming narinig simula nang maging devotee kami ni Santo Padre Pio, talagang accepted fact naman ng karamihan na basta ang isang tao ay tinamaan ng cancer, bilang na talaga ang kanyang panahon sa mundo. Totoong masakit ang mawalan ng isang minamahal sa buhay, pero nakita naman nila na naging makabuluhan ang kanyang buhay, kaya hindi na marahil dinamdam ng kanyang pamilya ang pag-yao ni Atty. Laxa.

Ang talagang nasaktan sa pagkawala ni Atty. Laxa ay ang industriya ng pelikulang Pilipino. Ilang taon ding nanilbihan si Atty. Laxa sa PMPPA, Mowelfund, FAP at maging sa mga artista nangangailangan ng kanyang payo at tulong bilang libreng abogado.

Ito pa naman ang panahon na kailangan ng industriya ang isang lider na ka-tulad ni Atty. Laxa dahil ta-lagang lugmok ang showbiz industry ngayon dahil sa napakataas na tax sa raw materials, sinampal pa ng EVAT, dagdag pa ang problema sa film piracy at walang habas na pagpasok ng mga pelikulang dayuhan hindi lang sa sinehan kungdi lalo na sa telebisyon.

Wala halos trabaho ang mga manggagawang Pilipino dahil sa mga problemang ito at ang isa sa nakikipaglaban para sa kanila na si Atty. Laxa ay nawala pa.

Sino na kaya ang papalit kay Atty. Laxa?

Talagang malaking kawalan si Atty. Laxa sa industriya ng pelikulang Pi-lipino.

* * *

ANO ba naman 'yan? Sino ba talaga ang gusto nila? May panahong ang madalas mabanggit ng pamilya Aquino, lalo na ni Kris, ay si Piolo Pascual.

Hindi ba sila nga ang nagsabing kung isasalin sa pelikula ang buhay ni Tita Cory ay gusto nilang si Piolo ang lumabas na Ninoy sa halip na si Cesar Montano. Noong funeral mass ni Tita Cory, hindi ba isa pa sa mga pinakanta ay si Piolo kahit na hindi naman masasabing singer siya, dahil paborito nga siya ng mga Aquino. At bakit ngayon ang kinakausap nilang mag-endorse kay Sen. Noynoy ay si Dingdong Dantes?

Sino ba talaga ang paborito nila? Bakit hindi si Piolo ang kanilang inalok? Medyo magulo ang statements ng mga Aquino, hane po?

* * *

NAGULAT kami sa kuwento tungkol sa isang female star na napaka-sweet ng image, pero nilayasan ng kanyang maid dahil maldita raw ito. Basta raw may iniutos ito at hindi agad nasunod, sinusugod at sinasabunutan ang maid ng pa-sweet na star, na ang turing sa kasambahay ay parang alipin na.

Hindi kami makapaniwala na nagmamaltrato ng katulong ang napaka-sweet na female star. Pero, marami ang nagsasabi na hindi lang daw naman ito ang unang pagkakataon na nilayasan siya ng kanyang maid dahil sa ganyang dahilan.

Source: Taliba