|
|
| Pagpapakasal ni Princess Punzalan sa Boracay, lihim?![]() Author: Jun Nardo Tapos na raw ang intriga kina Gladys Guevarra at K Brosas na dating magkasama sa Gladys & The Boxers with K ng ilang taon. "Nagkita na kami at nag-usap. Tinapos na namin kung ano man �yung intriga sa amin!" balita ni Gladys sa amin. May lumabas ding item na nagalit daw ang isang fan na hindi niya pinagbigyan na makasama sa picture at ipinagtirik daw siya ng itim na kandila. "Diyos ko, naloka nga ako. Ako pa ba ang hindi papayag makasama sa picture ang mga fans?" depensa ni Gladys. Although naapektuhan ng intriga minsan, mas gusto ng komedyana na pagbuhusan ng pansin ang kanyang trabaho, lalo na ngayong nababalitang may problema sa personal niyang buhay. "Mas mabuti na �yung magtrabaho na lang ako kesa umiyak at magmukmok sa bahay, di ba? Kaya ko �to!" sabi pa ni Gladys, na ang feeling namin ay tungkol sa lovelife ang problema niya. Sa totoo lang, hit na hit ngayon si Gladys sa panggagaya niya kay Mahal. Kahit saan siya mag-show, hinahanap ang pagiging Mahal niya. Kaya sa May 20 sa Klownz Angeles, isa �yan sa gagawin ni Gladys sa show nila ni Teri Onor, ang Ang Mahal Ni Ate Guy. *** Sayang at hindi na nag-text back sa amin si Angeli Valenciano para magbigay ng detalye sa kasal ni Princess Punzalan kahapon. Nabanggit lang in passing ni Angeli na kahapon ang kasal ng drama actress sa Boracay. Hindi naman siguro nililihim ni Princess ang pagpapakasal niya, �di ba? Pero, ang alam ko, foreigner ang boyfriend ni Princess at plano na talaga nilang lumagay sa tahimik. Bukod kay Princess, ang isa pang artist ni Angeli na sa Boracay rin nagpakasal ng Christian rites ay si G Tongi. *** Parang ang bilis-bilis naman ng mga pangyayari sa muling pagpapalabas ng Meteor Garden. Edited ba ang bersyong inilalabas sa TV ngayon? Nagrereklamo kasi ang ilang followers ng show sa internet. Akala nila ay full edition ang muling paghain sa publiko ng sikat na Chinovela, pero hindi raw pala ganoon. Nang silipin namin ang series, iilan din lang ang pumapasok na commercials, kaya marahil binibilisan na ito dahil hindi na ito malakas sa sponsors. *** May nakarating sa aming chika na hindi pala si Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb Girls ang unang choice na makasama si Ya Chang sa isang commercial na lumalabas ngayon. Unang kinunsidera para sa produkto si Jopay Paguia dahil nga vocal ang Japanese sensation na crush niya ito. Eh, dahil diumano sa kontrobersyang kinasangkutan noon ni Jopay, nawalan ng interes ng kliyente kaya hayun at si Rochelle ang ipinalit sa kanya. At least, sa isang co-member din napunta ang commercial na �yon. Malaking tulong din para kay Rochelle ang kinita niya roon para sa bibilhing bahay sa Kyusi. Siyanga pala, bukas na ang fans� day ng Sex Bomb Girls sa Star City mula alas- tres ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi. *** Nataranta na naman ang Dos sa biglaang pagbabago ng oras ng telefantasya ng GMA 7. Natigil bigla ang plugging ng teleserye nilang Ikaw Ang Lahat Sa Akin at biglang ipinasok ang plugging ng isang fantasy rin na Kampanerang Kuba. After 24 Oras na nga ang Darna at kasunod agad ang Encantadia. Inilagay sa mas late na oras ang Extra Challenge, bilang pagbibigay raw sa request ng mga bata na agahan ang dalawang fantaserye. Kaya head on na ang pagtapat ng Dos ng series ni Anne Curtis laban kina Angel Locsin at female cast ng Encantadia. Parang talung-talo sa labanang ito si Anne, huh! Source: Abante |