|
|
| Pagpapa-picture kay Willie sa Hawaii $100 ang bayadAuthor: Chan-Chan Torres Isyu ngayon ang diumano'y hindi pagsipot ni Willie Revillame sa isang function na kasama sa show ng Wowowee sa Hawaii nu'ng Sabado lang. Nakakalokah, iba't ibang bersyon na ang lumabas, huh, na kesyo hind raw sinipot ni Papi ang show at, may aberya raw na nangyari sa Hawaii. Diretsahan itong pinabulaanan ni Willie. Ayon sa isang reliable source, hindi sumipot si Willie sa isang dinner party after the show dahilan sa hindi naman daw ito compulsory, in other words, hindi sila obligadong pumunta. Kadalasan kasi pagkatapos ng show naghu-host ang mga organizers ng show doon ng meet and greet party. Ito'y dinadagsa rin minsan ng mga tao para magpa-picture at kung ano pa. Ayon pa rin sa aming nalaman, usually ang mga ganitong function ay pinapabayaran daw ng ilang organizers ng show doon para makita ng fans ang mga artista. Medyo may kamahalan ($100). Ang dumating lamang umano sa nasabing affair ay sina Luningning, Milagring at Mariposa pero hindi rin daw nagtagal ang mga ito. Sa puntong ito, naiintindihan namin si Willie kung hindi ito sumipot along with the other co-hosts na sina Pokwang, Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez at Lara Quigaman. Physically draining ang show at kailangan din naman magpahinga ni Papi pagkatapos nitong mag-host nang maghapon, 'di ba? Malamang ito ang hindi naiintindihan ng karamihan sa atin, na in a way understandable rin kung bakit sila nairita. Nagbayad nga naman sila tapos hindi nila nakita si Willie after the show. Pero hindi na po ito sakop ni Willie, di ba? The fact na nag-perform na si Papi para sa kanyang tinanguang programa na Wowowee, hindi na siya obligadong maki-join sa mga social functions unless si Willie mismo ang nagbigay ng kanyang salita. Sana ay hindi na magkaroon ng mga ganitong emote sa show ng Wowowee sa Lingayen this coming Saturday. Bongga, beach front ito, huh. * * * Tinutukan namin ang panayam ni Governor Vilma Santos-Recto sa The Buzz, nakaka-miss kasi si Ate Vi kaya hindi maiaalis na kinukulit na rin siya ng mga Vilmanians kung kailan siya muli gagawa ng pelikula. Aniya, kung siya ang tatanungin ay gusto na raw talaga niyang gumagawa ng pelikula and in fact, may bagong inihandang script ang Star Cinema para sa kanya, meron din daw isang Indie film na balak gawin si Ate Vi. Pero ang lahat nang 'yan ay nasa planning stage pa lang. Aminado ang aktres/ politician na sa ngayon pumapangatlo lamang ang pag-aartista sa kanyang mga prayoridad. Nariyan ang kanyang immediate family, then ang buong lalawigan ng Batangas then ang pagiging Vilma Santos, the actress. Siguradong naiintindihan naman ito ng mga taga-suporta ni Ate Vi. Basta, aabangan na lang namin ang kanyang pagbabalik sa telebisyon man o sa pelikula. Well, wala pa ring makakapantay sa husay at kinang ng isang Star for all Seasons. * * * Iba't ibang bersyon, at nu'ng una'y blind items pa lang. Ngayon tahasang iniintriga na ang sumisikat na singer na si Charice Pempengco. Mayroong isyu na kes-yo pinapabayaan nito ang kanyang ama, na umano'y kontrolado raw siya ng ina. Mga kuwento ng isang sumisikat na artista. Naantig lang kami nu'ng aming mabalitaan na pati raw ang lola ni Charice na umano'y nagtaguyod at naghirap sa kanya nu'ng hindi pa siya sumisikat ay kanya na ngayong pinababayan? Bakit may mga ganitong kaganapan? Ang lola na ito ng singer ang siyang kasa-kasama raw niya sa mga singing contests noon. Lola's girl kami kaya nakakalungkot talaga na may mga ganito kaming kuwentong naririnig. Na binabale-wala ang lola mong umagapay sa iyo. Ano kaya ang masasabi ng batang singer sa mga balitang ito? Sana ay hindi ito totoo. Kung true man, well, hindi ito nakakatuwa. Source: Taliba |