Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagpasok ni Rhian sa 'Stairway,' naging isyu

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Sa natitirang gabi ng Zorro, may mga rebelasyon at madadagdag na karakter sa istorya. Ang karakter ni Rhian Ramos na si Lolita, hindi pa alam kung sasama sa lola niya sa Europe o mananatili sa 'Pinas para makapiling si Antonio (Richard Gutierrez).

Nalulungkot si Rhian na matatapos na ang Zorro dahil naging close siya sa kanyang co-stars, umaasa na lang siyang magkakasama pa rin sila sa next projects niya sa GMA-7.

May kasunod ng show si Rhian dahil siya si Jodi sa Stairway to Heaven at makakapareha ni Dingdong Dantes. Maghanda na siya sa negative reactions ng ayaw sa kanya as Jodi.

Anyway, excited si Rhian na may movie siya sa Metro Manila Film Festival dahil kasama siya sa Carlo J. Caparas' Ang Panday. Kumustang katrabaho si Sen. Bong Revilla?

"Okey naman, he's very funny at maganda ang team-up nila ni Phillip Salvador. Sobrang close sila at ang lakas mang-asar pareho. Ang dami kong fight scene rito, ang dami kong pasa sa likod. Maganda ang movie namin, mala-Lord of the Rings," pagmamalaki ni Rhian.

* * *

Aprubado sa Kapuso viewers na si Dingdong Dantes ang gaganap sa role ni Cholo sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven at okey sa kanila si TJ Trinidad sa role na Tristan. Okey din sa kanila si Jean Garcia sa role ng ina nina Eunice at Tristan at magpapahirap kay Jodi.

Gusto rin nila si Bb. Joyce Bernal ang director ng Stairway to Heaven at ang hinihintay na lang i-announce ay kung sino ang gaganap sa role ng kontrabidang si Eunice.

Isyu lang sa Kapuso viewers ang pagkakapili kay Rhian Ramos bilang Jodi at kay Dode Cruz bilang headwriter dahil ayaw nilang maulit ang nangyari sa All About Eve na naiba ang istorya.

Bago mapanood si Jean sa Stairway to Heaven na September 7, pa ang airing, una siyang mapapanood sa bagong episode ng Dear Friend entitled Karibal. Makakasama at gaganap na anak niya si Jennylyn Mercado at pag-aagawan nilang mag-ina si Wendell Ramos. Si Denoy Navarro ang magdidirek ng episode na magsisimula sa August 9.

* * *

Hindi lang sa S. O. P. , nag-promote si Judy Ann Santos ng Oh, My Girl!, pati sa Showbiz Central ay dumating siya at na-appreciate nito ang ginawang research ng staff na hinanap ang mga naging kaibigan niya during high school. Nagka-roon tuloy ng instant reunion.

Kuwento ni Judy Ann, dati masaya na siyang kumita ng P3,000 dahil may pambili siya ng chocolate. Na nakiki-family at nakikikain siya sa mga kasama sa shooting Ginusto rin niyang maka-punta ng Amerika para hanapin ang ama at tanungin kung bakit sila iniwan?

"Friends na kami ng dad ko, we're okay now, mas casual ang relationship namin. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin at tapos na rin ang hatred. Noon pa naman, hindi na big deal sa akin na hiwalay ang parents ko," sabi ni Judy Ann.

Si Heart Evangelista ang sumalang sa Digital Don't Lie to Me at inaming kinikilig siya sa kissing scene nila ni JC de Vera sa Ngayon at Kailanman, pero hindi pa siya ready for another relationship.

Itinanggi nito ang pagkakadawit sa break-up nina Dennis Trillo at Cristine Reyes at na-appreciate na nag-effort si Dennis to call her para mag-sorry.

May interview din kay Wally Bayola na ibina-litang sa August, babalik na siya sa Eat...Bulaga, pero mauuna siyang bumalik sa Wow! Hayop! bukas na. Sabi nito kay Jose Manalo, magpaka-tatag sa hinaharap na problema't malulutas din ang lahat.

* * *

Sa Rosalinda, excited sina Florencio (Roderick Paulate) at Becky (Sheena Halili) dahil magpo-propose na si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) kay Rosalinda (Carla Abel-lana). Malalaman ni Fedra (Katrina Halili) na nag-kabalikan ang dalawa at sa tulong nina Anibal (Marco Alcaraz) at Rodora (Carlene Aguilar), lalasingin nila si Rosalinda.

Hinimatay si Valeria (Sheryl Cruz) nang malamang makalalaya na si Soledad (Glydel Mercado), masaya naman si Alfredo (Ariel Rivera) na lalaya na si Soledad.

* * *

Tuesday sa All My Life, hihingi ng tawad si Amelia (Gelli de Belen) kay Marita (Lani Mercado) sa kasalanan nila ni Gary (Jay Manalo), pero susumbatan siya nito at sasaktan pa. Nagtaka sina Romina (Kris Bernal) at Jules (Aljur Abrenica) sa pagbabago ni Romano (Zoren Legaspi) at galit na galit na sa pamilya ni Jules.

Gustong ipagtapat ni Gary kay Jules ang lahat, pero pipigilan siya ni Marita at wala raw dapat malaman ang anak nila. Samantala, ipahuhuli ni Sally (Manilyn Reynes) sa guard si Efren (Romnick Sarmenta) na gusto lang makita ang anak nila.

* * *

Sa Adik Sa 'Yo, nalaman ni Stella (Beth Oropesa) na gipit ang farm nina Ruben (Dennis Trillo) at nag-alok siyang pautangin sina Ising (Ces Quesada), pero 'di nito tinanggap ang pera. Hindi nag-give up si Stella, kinausap ang pinagkakautangan nina Ruben. Nang gabing puwersahang pinaalis sina Ising sa bahay nila at darating si Stella.

Pinuntahan ni Luigi (Joey Marquez) si Joana (Jolina Magdangal) sa Bahay Aruga para makipagbati. Sinabihan nito ang anak na mali ang ginawa, nag-away ang mag-ama at masasampal ni Luigi si Joana.

Source: People's Tonight