Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagsali ni Kris sa 'MP6,' na-appreciate ni Sharon

Author: Vinia Vivar

Ayon kay Annabelle Rama, birthday gift na ni Richard Gutierrez sa kanya ang horror film na Patient X.

Si Chard ang co-producer ng pelikula with GMA and Viva Films at ito ang unang attempt ng young actor sa pagpu-produce, kaya ani Bisaya, sana ay suportahan ng lahat ang kanyang anak.

Siyempre, natanong din sa kanya ang latest scandal na kinasangkutan ni Chard sa airport at say niya, "Tayo, nandito para sa Patient X, puro Patient X lang tayo ngayon. "

Ano naman ang birthday wish niya?

"Ang birthday wish ko? Tantanan na ang pamilya ko ng mga intriga, 'yun ang birthday wish ko," she said.

Napapagod na ba siya sa mga intriga?

"Hindi, hindi ako napapagod. "

So, lumalaban pa rin?

"Isa lang ang lalabanan ko, si Wilma Galvante lang, wala nang iba," prangkang say ni Tita Annabelle kaya natawa na lang kami.

* * *

Paliwanag ng leading lady ng Patient X na si Cristine Reyes tungkol sa pagsu-Subic nila ni Richard last Wednesday, wala pa mang bagyo (Ondoy), nagyayaya na ang young actor sa nasabing lugar.

"So, after nitong baha, nagkaroon ako ng free day. So, sige, free ako, mag-beach tayo. Nag-jetski, nag-speedboat, sounds, relax lang. First time na nag-speedboat kami na relax lang. Hindi delikado ang buhay namin. Masaya, having fun lang," say ng young actress.

Natanong din si Cristine kung wala ba silang masasagasaang ibang tao sakaling magtuluy-tuloy sa mas malalim pang lebel ang relasyon nila ni Chard.

"Sa akin, wala, single naman ako, eh," she said.

Kay Richard daw, hindi niya alam kung may magagalit dahil hindi naman daw siya nagtatanong.

"Saka, magkaibigan lang naman kami, nothing more," sambit niya.

Anyway, tungkol naman sa kanyang bahay sa Provident Village na lumubog sa baha, desidido si Cristine na huwag nang tumira roon at sa bagong bahay na nabili sa Batasan na umuwi.

Good thing, nakapag-down na siya rito isang araw bago bumagyo kaya blessing in disguise ang pagkakabili niya sa nasabing townhouse.

Solo na raw siyang maninirahan sa bagong bahay at may bukod na bahay ang ina sa tabi niya.

"'Yung sa akin, ako ang solong magbabayad, pero 'yung kay Mommy, hati kami ng ate (Ara Mina) ko," say pa niya.

* * *

Siyempre, isa si Megastar Sharon Cuneta sa avid followers ng Lovers in Paris, pinagbibidahan ng anak niyang si KC Concepcion at Piolo Pascual.

"'Pag kunwari, nagwo-work ako, tapos, hindi ko napa-tape, parang anong nangyari, anong nangyari? Tapos minsan, feeling ko parang nagiging Vivian- Martin na ako (mga karakter nina KC at Piolo sa Lovers in Paris). "Natutuwa ako na natatawa ako sa kanya kasi napaka- jologs niya rito na ang cute-cute niya," say ni Sharon sa interview ng SNN: Showbiz News Ngayon.

Nabanggit din ni Shawie na all set na siya para sa Mano Po 6: My Mother, Metro Manila filmfest entry ng Regal Films sa December.

Si Heart Evangelista na nga ang gaganap na anak niya. Matatandang una itong inalok kay Angel Locsin.

Bukod kay Heart, thankful din si Shawie na makakasama niya sina Kris Aquino at Zsa Zsa Padilla.

"Si Zsa-Zsa, oo, nakausap ko na. Si Kris, she volunteered to play the role of my best friend, so, siyempre, that means a lot to me. I appreciate it very much," say pa ng Megastar.

Source: People's Tonight