|
|
| Pagtakbong congresswoman ni Lani suportado ni Sen. BongAuthor: Noel Asiñas WELL-supported ni Sen. Bong Revilla kung anumang plano mayroon ang kanyang maybahay para sa 2010 elections. Remember, si Bong ang nagpupursige kay Lani para magbalik-school at mag-take ng management course sa Ateneo de Manila University. Short-course ito na makatutulong kay Lani kapag nagkaroon na siya ng posisyon sa pamahalaan. Sa ngayo'y naka-tuon ang panahon ni Lani sa pagpapaganda ng bayan ng Bacoor at tumutulong sa brother-in- law niya na mayor ng naturang bayan. Anyway, kahit busy si Bong sa kanyang pagiging senador, hindi niya nakakalimutan na laging mag-taping ng Kap's Amazing Stories. Talagang naging ha-bit na ni Bong ang ta-ping ng show at talagang isinisingit niya ito. * * * AFTER ng controversial na hiwalayan nina Jenniylyn Mercado at Patrick Garcia, ngayo'y masasabing naka-move on na si Patrick Garcia. Nakatagpo na siya ng bagong ka-loveteam na tanggap ng tao, si Glaiza de Castro. Successful ang first team-up nila ni Glaiza sa Sunday teleseries na Dear Friend sa episode na Igorota. Consistent na ma-taas ang rating ng mini-series na magtatapos na ngayong Sunday. Bago pa man mag-ending ang "Igorota," nabigyan agad ng ba-gong assignment ang mag-loveteam na sina Glaiza at Patrick, itatampok sila sa bagong sine- serye ng GMA-7 sa hapon. Ang soap ay revival ng movie ng Viva Films, ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Kasama rin sa cast bilang mga bida sina Maxene Magalona at Geoff Eigenmann. Simula na ng taping nito sa last week of May. Ngayong Sunday ay huling yugto na ng episode ng Igorota. Marami tayong aabangan na revelations tulad ng pangyayaring tuluyan na kayang kalimutan ni Glaiza ang lalaking nakabuntis sa kanya na si Polo Ravales. Ibigin na kaya niya nang tunay ang lalaking nagmamahal sa kanya sa istorya na si Patrick. * * * SA pagbabagong sigla ng singing career ni Paolo Santos, ibinigay agad sa kanyang project ang pagkanta sa theme song ng bagong sitcom nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Dos, entitled Kuwento Nating Dalawa na sinulat ni Direk Joey Reyes ang lyrics at ang musika naman ay kay Ryan Cayabyab. "'Di ako makapaniwala na pagpirma ko sa Ivory Records bilang recording artist nila for three years, makare-receive naman ako ng project na awitin ang Kuwento Nating Dalawa. "Alam ko naging close kami ni Juday dahil sa pumupunta siya sa gigs ko at nakikinig siya sa mga music ko. Buhat noon ay naging friend ko na sila ni Ryan (Agoncillo). Pero, sa totoo lang ay hindi kami magkamag-anak. Magka-apelyido lang ni Juday. "Nang pumupunta siya sa show ko, proud ako sa kanya dahil isa siyang superstar ng local movies. Enjoy siyang nakikinig sa mga awitin ko na sobrang ikinatutuwa ko naman," aniya. Hindi naman sumama ang loob ni Paolo na hindi siya naimbitahan nina Juday at Ryan sa kanilang wedding sa Batangas. Basta, masaya lang siya at natuloy na rin ang kanilang pagpapakasal. Ang unang album ng Acoustic King sa Ivory Records ay ang Back to Basics na naglalaman ng 10 OPM revivals tulad ng Gaya ng Dati, Don't Say Goodbye, Everyday, Million Miles Away, Yakap, Nagla-lambing,Walang Hanggang Paalam, Isang Tulog Na Lang (duet with Bituin Escalante) at ang carrier single na Photograph. Handog ni Paolo ang kantang Photograph sa kanyang misis na si Jiji. Sa third week of May ilu-launch ang album at sisimulan na niyang lumibot sa iba't ibang malls para sa promo ng album. * * * IPINAGTANGGOL ni Direk Joel Lamangan ang latest niyang indie film, ang Heavenly Touch, sa pagsasabing hindi basta paseksi ang movie, bagkus naglalarawan ito ng realidad ng buhay ng tao. Ang tatlong masahista rito ay sina Marco Morales, Paolo Serrano at Joash Balejado. Ang character ni Joash ay totoong nangyari sa isang masahista na ikinuwento sa producer ng pelikula na si Direk Manny Valera. Dahil sa kuwentong ito, na-inspire sina Direk Manny at Direk Joel na gawin ang pelikula ito. Palabas ang movie sa May 13 sa piling sinehan, kabilang ang Robinson's Cinema, Isetann Cinema sa Recto, Gateway at iba pa. * * * MAY inihandang big celebration para kay Manny Pacquiao ang SOP ngayong Sunday. Siyempre, hindi puwedeng hindi kakanta si Manny at talagang ins-pirado siya dahil sa pagkapanalo niya kay Ricky Hatton. Aabangan din sa SOP ang naiibang presentation sa paggunita ng Mother's Day. May birthday celebration din sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at launching ng bagong show na Power of Ten at ang The Next Big Star ni Regine Velasquez. Darating din si Dingdong Dantes at may surprise number siya. Source: Taliba |