Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagtataray nina Diana Zubiri at Francine Prieto kay Direct Jeffrey Jeturian, walang katotohanan!

Pagtataray nina Diana Zubiri at Francine Prieto kay Direct Jeffrey Jeturian, walang katotohanan!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

TUMAWAG sa amin ang isang kaibigan na entertainment editor para kumpirmahin ang balita na tinarayan daw ni Diana Zubiri ang direktor na si Jeffrey Jeturian dahil matagal bago nakunan ang kanyang mga eksena sa Bikini Open.

Hindi ang aming sagot dahil wala sa karakter ni Diana ang magtaray. Hindi rin siya capable na makipag-away sa direktor, lalo na sa tulad ni Jeffrey na napakatahimik magtrabaho kahit sobra ang pagiging perfectionist.

Tiniyak ng kaibigan namin na siguradung-sigurado siya sa kuwento na nakarating sa kanya. Pinanindigan namin sa aming kausap na walang ganoong insidente na nangyari sa set ng Bikini Open.

The following day, nabasa namin sa isang tabloid (not Abante or Abante Tonite) na si Francine Prieto naman ang nagtaray kay Jeffrey dahil hindi na niya matagalan ang working habits ng award-winning director.

Hmmmm...same story pero si Francine at hindi si Diana ang subject. Inconsistent ha!

Kung wala sa karakter ni Diana ang makipag-away, lalong wala sa ugali ni Francine ang magtaray. Imbes na seryosohin namin ang nabasa, natawa kami. Halatang-halata na hindi totoo ang umiikot na balita tungkol sa direktor at mga artista ng Bikini Open.

Hindi consistent ang source ng kuwento dahil magkakaibang character ang mga bida na ginamit niya. Sa May pa ang showing sa mga sinehan ng Bikini Open. Napakaaga pa ng promo at publicity. Hindi magandang publicity slant na pinag-aaway ang director at mga artista ng pelikula.

***

Malapit na raw matapos ang kontrata ni Arnell Ignacio sa ABS-CBN pero wala pang bagong show na ibinibigay sa kanya. Nakarating ang kuwentong ito sa mga dating kasamahan ni Arnell at ganito ang takbo ng kanilang usapan:

"Hindi kaya nagsisisi si Arnell dahil umalis siya sa K? (Ang K, The One Million Videoke Challenge ang programa ni Arnell sa GMA 7 na kanyang iniwan dahil pinili niya ang magandang offer ng ABS-CBN. Sina Allan K. at Jaya ang ipinalit kay Arnell bilang mga host ng K. Ni-reformat ang show at naging All-Star K ang title). Kung hindi siya lumipat sa kabilang network, siguradong si Arnell pa rin ang host ng K."

Ang sagot ng kausap? "Okey na rin �yon dahil mas mataas naman ngayon ang rating ng All-Star K!"

Nagpalitan ng mga kuro-kuro tungkol kay Arnell ang kanyang mga dating kasamahan pero irrelevant na ang ilan sa kanilang mga pinagsasabi kaya hindi na namin isinulat.

Noong 2004, maraming pagbabago ang nangyari sa buhay, career at lovelife ni Arnell. May mga dumating pero may mga nawala...

***

Ang dating comedienne na si Aruray ang aming naaalaala sa tuwing nakikita namin si Pokwang, ang baguhang komedyante na kasama sa cast ng Quizon Avenue. Una naming nakita si Pokwang sa Music Box noong nakaraang taon.

Naimbitahan kami na maging judge sa singing contest ng Music Box at isa si Pokwang sa tatlong emcee. Malakas ang sense of humor pero hindi nakaka-offend ng audience ang mga biro ni Pokwang.

Naisip namin na kung mabibigyan ng break si Pokwang sa showbiz, malayo ang kanyang mararating. A few months later, napanood namin sa mga programa ng ABS-CBN si Pokwang.

Loaded with talents si Pokwang kaya hindi na kami nasorpresa nang maging artista siya.

Napanood namin ang past movies ni Aruray. Pareho silang kumilos at magsalita ni Pokwang pero hindi kami sigurado kung kilala nito ang namayapang comedienne.

***

Araw-araw kaming nakakatanggap ng e-mail mula sa mga tagahanga ni Angelika dela Cruz. Hinihiling nila sa management ng ABS-CBN na dagdagan pa ang programa ni Angelika at bigyan ito ng mas mahabang exposure sa ASAP.

Kasama sa kanilang request na muling pagsamahin sa isang TV show si Angelika at ang ex-boyfriend nito na si Jericho Rosales. Sayang daw ang versatility ni Angelica kung hindi mapapakinabangan ang husay niya sa pagkanta at pag-arte dahil TV host na ang packaging sa kanya. Co-host si Angelika ng ETK, ang Saturday afternoon showbiz-oriented program ng ABS-CBN.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo. com.

Source: Abante