Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pagtulong ni Jennylyn, habangbuhay na tatanawin nina Jennica at Jean

Pagtulong ni Jennylyn, habangbuhay na tatanawin nina Jennica at Jean

Author: Ruel Mendoza

AYAW na ngang balikan ng mag-inang Jean at Jennica Garcia ang binahang bahay nila sa Commonwealth, Quezon City. Naghahanap na nga sila ng bagong malilipatan.

Hindi na raw nila kayang balikan pa at tirahan ang bahay na puno na ng hindi magagandang ala­ala.

Sa ngayon, naiiyak pa rin si Jennica tuwing naaalala niya ang nangyari sa kanila noong araw na lumakas ang bagyong Ondoy at pumasok at tumaas ang tubig sa loob ng kanilang three-storey house.

Pero, nagpapasalamat si Jennica sa kapwa Kapuso niyang si Jennylyn Mercado dahil ibinukas nito ang pintuan ng kanilang bahay para ma-accommodate sila.

“Malaki ang pasasala­mat namin ni Mama kay Jennylyn at sa family niya kasi tinanggap nila kami. Hindi sila nagdala­wang-isip na tanggapin kami at asikasuhin.

“Nahihiya nga kami ni Mama kay Jen kasi may mga kapitbahay din kami na nakisilong sa bahay nila. Na­ging evacua­tion center ang bahay nila.

“Pero lahat tinanggap ng pamilya ni Jen at inaa­sikaso rin nila. Kaya sob­ra ang pasasalamat namin ni Mama sa kanila. Habangbuhay kong tatanawin na utang na loob 'yon kay Jennylyn,” sabi pa ni Jennica.

Source: Abante