Dec 02
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Pakikipaghiwalay sa BF, 'di nakayanan ng aktres

HOW true na problema sa lovelife ang dahilan ng pagkakasakit ng isang young dramatic actress?Balitang ipinatawag ang aktres ng big boss ng isang popular network dahil sa reklamo ng production staff na hindi siya makapag-deliver ng tamang pag-arte sa ta...

 

Pakikipaghiwalay sa BF, 'di nakayanan ng aktres

Column: Aba!
Author: Noel Asiñas

HOW true na problema sa lovelife ang dahilan ng pagkakasakit ng isang young dramatic actress?Balitang ipinatawag ang aktres ng big boss ng isang popular network dahil sa reklamo ng production staff na hindi siya makapag-deliver ng tamang pag-arte sa taping ng bago sanang soap niya.

Sana, dahil ang balita'y tsinugi na ang aktres sa serye.

Kalat daw ang balita sa set na nakipaghiwalay na sa non-showbiz boyfriend ang aktres.

May insidente pa nga raw na dinala ito sa doctor dahil 'di makayanan ang sobrang lungkot.

Kilala ang aktres na magaling sa drama, pero pagdating sa lovelife niya, madali siyang maapektuhan.

Ang ex-BF naman niya ay minsan na ring na-link sa isang unwed mother-actress.

* * *

ILANG Hollywood movies pala ang tinanggihan ni Melanie Marquez nu'ng dekada '80 habang namamayagpag bilang super model ng Ford Modelling Agency.

'Di type mag-Hollywood ni Melanie noon dahil sa sobrang halikan at paghuhubad sa screen.

Hanggang sa alukin siyang gawin ang Golden Child ni Eddie Murphy.

Aniya: "Nu'ng una, exicited akong magka-pelikula sa Hollywood. Pero later on, hindi na ako excited dahil negro ang makakasama ko. Hindi ako racist, pero 'di ko type ang negro. Ang pinakamaitim kong naging boyfriend ay si Lito Lapid. "

Kapipirma nga lang pala ni Melanie ng pang-apat na kontrata sa New Placenta soap ng Psalmstre Enterprises.

* * *

NAKATAKDANG pumunta ng Milan, Italy sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz para sa promo ng GMA Pinoy TV doon.

Sa June 5 sila aalis at next week babalik. Hectic ang schedule nina Angelika at Marvin, dahil may mall tour sila to meet and greet their Pinoy fans.

Bukod sa grupo ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, aalis din ang grupo ng Nuts Entertainment papuntang Hong Kong at Macau.

Magti-taping sila roon, sponsored by Japanese actor-producer Jacky Woo.

Magpu-promote rin ang Nuts ng mga programa ng GMA Pinoy TV sa Hong Kong at magsu-show courtesy ng Filipino association.

Ang grupo naman ni Master Showman German Moreno ay tutungo ng Canada sa June 24 para sa series of shows ng GMA Pinoy TV.

May scheduled interview din si Kuya Germs sa Pinoy stars na naninirahan na sa Canada, gaya nina Alice Dixson at Joey Albert.

Kasama sa entourage ni Kuya Germs ang production manager na si Rams David, John Nite, Jake Vargas, Tirso Cruz III at anak na si Bodie.

Source: People's Tonight