Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pakikipag-meeting ni Anabelle Rama kay Atty. Felipe Gozon, naudlot

Author: Nitz Miralles

KAHAPON dapat ang meeting nina Annabelle Rama at Atty. Felipe Gozon tungkol sa kontrata ni JC de Vera sa GMA-7. Hindi nga lang ito natuloy at ipinagpaliban daw sa Biyernes dahil super busy pa ang schedule ng Kapuso Network president.

Siguro naman, ipaa-alam ng istasyon ang kalalabasan ng meeting para malaman kung ma-nanatili sa Channel 7 ang actor o lilipat sa ABS-CBN.

Sana, hindi totohanin ni Annabelle ang sinabi sa presscon niya last Saturday na 'yun na ang huling pagsasalita niya sa isyu dahil gusto nating malaman ang naging resulta nang nasabing meeting niya with Atty. Gozon.

* * *

TULOY na ang movie nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos sa Regal Entertainment na may tentative title na Oh My Girl.

Today ang pictorial ng dalawa kay Jun de Leon at sa Sabado ang storycon.

Ang sabi'y rom-com o romance comedy ang movie at may nagsabi namang all-out comedy ito to be directed by Dante Nico Garcia.

Nangako ang director na ang pelikula ang papantay sa Payaso ni German Moreno sa rami ng mga artistang may cameo roles, but as of today, nasa listahan nang makakasama nina Judy Ann at Ogie sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Labor of love raw ang magka-cameo role sa pelikula na ang supervising producer ay si Noel Ferrer. Grupo nina Catski Flores at Raymond Lee ang susulat ng script na kung 'di kami nagkakamali, ang story ay galing kay Regine Velasquez.

Pagkatapos ng pelikula nina ni Ogie, isusunod ang pagtatambalan nina Judy Ann at fiancé niyang si Ryan Agoncillo na matagal nang naka-line-up.

May gagawin din silang sitcom sa ABS-CBN sa direksyon ni Joey Reyes at inaabangan ang kanyang nurserye.

* * *

SUMUSUBOK nang mag-host si Marian Rivera dahil siya ang co-host ni Mike Enriquez sa Walang Pera, isang special ng News & Public Affairs ng GMA-7 at mapapanood sa March 22, after Ful Haus, sa SNBO time slot.

Ibang Marian ang mapapanood sa special sa nasusubaybayan sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at chance na nitong maipakita sa viewers na hindi lang siya sa drama at comedy effective.

Si Dingdong Dantes kaya, kailan kukunin ng News & Public Affairs na mag-host ng kanilang special?

Samantala, sa Ang Babaing..., pasusubaybayan ni Rado (Paolo Contis) si Proserfina (Marian) at magagalit ito nang biglang mawala ang dalaga.

Hindi niya alam, dinukot ito ni Homer (Dingdong).

Nagwu-worry naman si Aris (Prince Stefan) kung papaano niya sasabihin kay Athena (Love Poe) na isa siyang seminarista, ayaw pa naman ng dalaga ng sinungaling.

* * *

TUHOG ang pagpo-promote ni Sunshine Dizon dahil hindi lang All About Eve, ang bagong soap niya sa GMA-7 na iere na sa March 9, ang kanyang pino-promote, pati na ang Mar. 18 showing ng Sundo, ang horror movie na bida si Robin Padilla sa direksyon ni Topel Lee.

Napupuri ang actress ng GMA Films dahil masipag mag-promote at sinimulan niya ito sa SOP, Showbiz Central at nag-guest din siya sa Bubble Gang.

Ayaw mag-spoiler ni Sunshine sa magiging ending ng Sundo na sa trailer pa lang, nakakatakot na.

On the other hand, nagpauna na siya sa fans ng original version ng All About Eve na lalagyan ito ng ibang twist para bumagay sa Pinoy culture at panlasa natin.

Pero, tiniyak nitong magiging kasing-sama siya ni Erica sa Korean novela.

Hindi ba't may one-liner itong "The b---h is back!" at hindi niya idi-disappoint ang viewers?

Source: People's Tonight